Ibon | |
---|---|
Isang larawan na nagpapakita ng iba't-ibang mga uri ng ibon; sa larawang ito, ipinapakita ang 18 na orden (mula sa itaas, pakanan): Cuculiformes, Ciconiiformes, Phaethontiformes, Accipitriformes, Gruiformes, Galliformes, Anseriformes, Trochiliformes, Charadriiformes, Casuariiformes, Psittaciformes, Phoenicopteriformes, Sphenisciformes, Pelecaniformes, Suliformes, Coraciiformes, Strigiformes, Piciformes. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Dinosauria |
Klado: | Theropoda |
Klado: | Ornithurae Gauthier, 1986 |
Hati: | Aves Linnaeus, 1758[1] |
Subclasses | |
At tignan ang teksto |
Ang mga ibon[2] ay grupo ng mga hayop na tinatawag na vertebrates o mga hayop na mayroong buto sa likod. Nabibilang sila sa klase na kung tawagin ay Aves at karamihan sa kanila ay nakalilipad.
Ang mga ibon ay mga warm-blooded o may mainit na dugo, at sila ay nanging itlog. Sila ay binabalutan ng balahibo at mayroon silang pakpak. Ang mga ibon ay may dalawang paa na pangkaraniwang binabalutan ng kaliskis. Mayrooon silang matigas na tuka at wala silang mga ipin. At dahil ang mga ibon ay may mataas na temperatura at kumukunsumo ng napakaraming enerhiya, sila ay nangangailangang kumain ng maraming pagkain kumpara sa kanilang timbang. Mayroong mahigit sa 9,000 ibat-ibang uri ng ibon na kilala na.
Ang mga ibon ay matatagpuan sa bawat kontinente ng mundo. Ang ibat-ibang klase ng ibon ay nasanay na sa kanilang tinitirahang lugar kung kaya't may mga ibong nakatira sa malalamig na lugar o lugar na puro yelo at ang iba naman ay nakatira sa disyerto. Ang mga ibon ay maaaring nakatira sa gubat, sa mga damuhan, sa mga mabato-batuhing bangin, sa tabing-ilog, sa mga mabatong baybayin at sa mga bubungan ng mga bahay.
Ang mga ibon ay nasanay na ring kumain ng ibat-ibang uri ng pagkaing depende sa kanilang kapaligiran. Karamihan sa mga ibon ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng mga butong-kahoy at prutas. Ang iba naman ay kumakain ng mga luntiang halaman at dahon. Ang iba naman ay nabubuhay sa pagkain ng nektar o pulot-pukyutan mula sa mga bulaklak. Ang iba ay kumakain ng mga insekto. Ang iba naman ay kumakain ng isda ng mga patay na hayop.