Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Ikalawang Sulat kay Timoteo ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliyang sinasabing isinulat ni Apostol San Pablo kay San Timoteo. Sumunod ito sa Unang Sulat kay Timoteo. Katulad ng Unang Sulat kay Timoteo at ng Sulat kay Tito, isa itong sulat na pastoral o pampinuno ng simbahan (mga pari o pastor) sapagkat nauukol ito sa mga gawain ng mga pinuno ng parokya, katulad nina Timoteo at Tito.[1]