Ilocos Norte | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Ilocos Norte | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Ilocos Norte | |||
Mga koordinado: 18°10'N, 120°45'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Rehiyon ng Ilocos | ||
Kabisera | Laoag | ||
Pagkakatatag | 1818 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Matthew Manotoc | ||
• Manghalalal | 434,114 na botante (2022) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 3,467.89 km2 (1,338.96 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 609,588 | ||
• Kapal | 180/km2 (460/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 152,972 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 1.70% (2021)[2] | ||
• Kita | (2020) | ||
• Aset | (2020) | ||
• Pananagutan | (2020) | ||
• Paggasta | (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 2 | ||
• Bayan | 21 | ||
• Barangay | 558 | ||
• Mga distrito | 2 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
PSGC | 012800000 | ||
Kodigong pantawag | 77 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-ILN | ||
Klima | tropikal na monsoon na klima | ||
Mga wika | Wikang Iloko Wikang Isnag | ||
Websayt | https://www.ilocosnorte.gov.ph/ |
Ang Ilocos Norte (Filipino: Hilagang Ilocos, Ilokano: Amianan nga Ilocos) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Ilocos sa Luzon. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Laoag at nakaharap ang lalawigan ng Ilocos Norte sa Dagat Luzón sa kanluran at sa Kipot ng Luzon sa hilaga. Matatagpuan ito sa hilagang-kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon at ang hangganan nito sa silangan ay ang mga lalawigan ng Cagayan at Apayao, at sa timog ay ang mga lalawigan ng Abra at Ilocos Sur.
Kilala ang lalawigan bilang pook kapanganakan ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Kilala rin ang lalawigan bilang isang lalawigan panturismo sa hilaga, kung saan matatagpuan ang Fort Ilocandia, isang magarang hotel at resort na tanyag sa mga banyaga.