Sa larangan ng anatomiya, ang ilong ay isang tubo o bukol sa katawan ng mga bertebrado na bumabahay sa butas ng ilong (Ingles: nostril o nares), na tumatanggap at naglalabas ng hangin para sa paghinga (respirasyon) habang katuwang ang bibig.
Sa karamihan ng mga tao, ibinabahay din nito ang mga buhok sa ilong, na humuhuli sa mga alikabok mula sa hangin at sinasala upang hindi makarating sa mga baga. Nasa loob at likod ng ilong ang mukosang olpaktoryo at ang mga sinus (saynus). Dumaraan sa likod ng puwang na pang-ilong (Ingles: nasal cavity) ang hangin sa pamamagitan ng pharynx, na kasalo ang sistemang panunaw, at matapos ay ang natitirang bahagi ng sistemang pang-respiratoryo. Sa mga tao, nakalagak ang ilong sa gitna ng mukha; sa ibang mga mamalya, nakalagay ito sa pang-itaas na dulo ng matulis at matangos na bibig (Ingles: snout).
Bilang tulay-ugnayan sa pagitan ng katawan at ng panlabas na mundo, ang ilong at ang mga mga kaugnay na istruktura ay madalas na nagsasagawa ng mga karagdagang tungkuling ukol sa paglilinis ng pumapasok na hangin (halimbawa, ang pagpapainit at pagbabasa o panunubig ng hangin) at pinaka ang tungkol sa muling panunubig mula sa hangin bago ito ilabas (katulad ng mabisang kakayahan ng mga kamelyo).
Ang nakabukol na bahagi ng mukha ang nakikitang bahagi ng ilong ng tao na bumabahay sa mga butas ng ilong. Nababatay sa butong ethmoid at ng nasal septum ang hugis ng ilong, mga bahaging naglalaman ng karamihang sa mga malalambot na buto o kartilahiyo at naghihiwalas sa mga butas ng ilong.