Imee R. Marcos | |
---|---|
![]() | |
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Hunyo 30, 2019 | |
Gobernador ng Ilocos Norte | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2019 | |
Diputado | Angelo Barba |
Nakaraang sinundan | Michael Marcos Keon |
Sinundan ni | Matthew Marcos Manotoc |
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007 | |
Nakaraang sinundan | Simeon M. Valdez |
Sinundan ni | Ferdinand R. Marcos, Jr. |
Mambabatas Pambansa (Assemblyman) mula sa Ilocos Norte | |
Nasa puwesto Hunyo 30, 1984 – Marso 25, 1986 Served with: Antonio V. Raquiza | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Mandaluyong, Philippines | 12 Nobyembre 1955
Kabansaan | Filipino |
Partidong pampolitika | KBL (1980–2009) Nacionalista (2009–kasalukuyan) |
Asawa | Tommy Manotoc (separated) |
Anak | 3 |
Tahanan | Batac, Ilocos Norte |
Alma mater | Princeton University Education: - Princeton University (B.A.) - University of the Philippines College of Law in Diliman, Quezon City (Bachelor of Laws) - Asian Institute of Management in Makati (M.A. in Management and Business Administration) |
Propesyon | Pulitiko |
Si Maria Imelda Josefa Romualdez Marcos (ipinanganak noong Nobyembre 12, 1955) at mas nakikilala bilang Imee Marcos ay isang politiko sa Pilipina at ang anak ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos na nagsilbing pangulo noong 1965-1986. Siya ay kasalukuyang nanunungkulan bilang senador na nahalal noong 2019. Siya ay nagsilbi ng tatlong termino bilang gobernador ng Ilocos Norte mula 2010 hanggang 2019 at bilang Kinatawan ng ika-2 distrito ng Ilocos Norte ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2007. Siya ay dating kabilang sa partidong Kilusang Bagong Lipunan o KBL na parehong partidong sumuporta sa kanyang amang si Ferdinand Marcos. Kalaunan ay sumali siya sa alyanasa ng Partidong Nacionalista ni Manny Villar bilang suporta sa kanyang inang si Imelda Marcos at kapatid na si Bongbong Marcos.