Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Imperyong Gupta

Imperyong Gupta
c. 240 CEc. 550 CE
Mapa ng Imperyong Gupta noong c. 420 CE, sang-ayon kay Joseph E. Schwartzberg, kasama ang kontemporaryong kaayusang pampamahalaan\[1]
KatayuanImperyo
KabiseraPataliputra
Ujjain
Ayodhya[2][3]
Karaniwang wikaSanskrito (pampanitikan at akademya); Prakrito (bernakulo)
Relihiyon
KatawaganIndiyano
PamahalaanMonarkiya
Maharajadhiraja 
• c. 240-280 CE
Gupta (una)
• c. 280-319 CE
Ghatotkacha
• c. 319-335 CE
Chandragupta I
• c. 335-375 CE
Samudragupta
• c. 375-415 CE
Chandragupta II
• c. 415-455 CE
Kumaragupta I
• c. 455-467 CE
Skandagupta
• c. 540-550 CE
Vishnugupta (last)
PanahonKlasikong Indya
• Naitatag
c. 240 CE
• Koronasyon ni Chandragupta I
26 Pebrero 320[5]
• Binuwag
c. 550 CE
Lawak
• Kabuuan
3,500,000 km2 (1,400,000 mi kuw)
Populasyon
75,000,000[6]
SalapiDinara (Baryang Ginto)
Rupaka (Baryang Pilak)
Karshapana (Tansong Barya)
Mga Cowrie
Pinalitan
Pumalit
Kanluraning Satraps
Mga Naga ng Padmavati
Dinastiyang Mahameghavahana
Dinastiyang Murunda
Kalaunang mga Gupta
Kaharian ng Valabhi
Kaharian ng Thanesar
Kaharian ng Kannauj
Mga kahariang Gurjara
Bahagi ngayon ng

Ang Imperyong Gupta ay isang sinaunang imperyo ng Indya sa sukontinenteng Indiyano na umiral mula kalagitnaan ng ika-3 dantaon CE hanggang kalagitnaan ng ika-6 na dantaon CE. Ito ang ikapitong naghaharing dinastiya ng Magadha. Sa tugatog nito, mula humigit-kumulang 319 hanggang 467 CE, sakop nito ang karamihan sa subkontinenteng Indiyano.[9] Itinuturing ang panahong ito na Ginintuang Panahon ng Indya ng mga dalubhasa sa kasaysayan o mananalaysay, bagaman pinagtatalunan ang katangiang ito ng ilang iba pang mga mananalaysay.[10] Ang naghaharing dinastiya ng imperyo ay itinatag ni Gupta at ang pinakakilalang pinuno ng dinastiya ay sina Chandragupta I, Samudragupta, Chandragupta II, Kumaragupta I at Skandagupta.

Ang mga mataas na punto ng panahong ito ay ang mga malaking pag-unlad sa kalinangan na pangunahing naganap sa panahon ng paghahari ni Samudragupta, Chandragupta II at Kumaragupta I. Maraming mga epiko ng Hindu at mga panitikang makukunan, tulad ng Mahabharata at Ramayana, ang naikanonisa sa panahon na ito. Umusbong sa panahong Gupta ang mga iskolar tulad nina Kalidasa,[11] Aryabhata, Varahamihira at Vatsyayana, na gumawa ng malaking pagsulong sa maraming larangan ng akademya.[12][13] Ang agham at pamamahala sa pulitika ay umabot sa bagong pag-angat sa Panahong Gupta.[13] Ang panahon, inilarawan minsan bilang Pax Gupta, ay nagbigay ng mga tagumpay sa arkitektura, eskultura, at pagpinta na "nagtakda ng mga pamantayan ng anyo at lasa [na] tinukoy ang buong sumunod na kurso ng sining, hindi lamang sa Indya kundi malayo sa labas ng kanyang mga hangganan".[14] Ang Puranas, ang sinaunang mahabang tula na nasa sa iba't ibang paksa, ay pinaniniwalaan rin na naisagawa sa nakasulat na teksto sa mga panahong ito.[14][15] Sumunod sa Hinduismo ang mga pinuno at Brahmin sa imperyo ng Gupta subalit mapagpaubaya din sa iba na may ibang relihiyon.[16]

Nawala sa kalaunan ang imperyo dahil sa mga kadahilanan tulad ng malaking pagkawala ng teritoryo at awtoridad pang-imperyo na sanhi ng kanilang sariling dating mga pyudatoryo, pati na rin ang pag-atake ng mga Huna (mga Hunong Kidara at Hunong Alakhana) mula sa Gitnang Asya.[17][18] Matapos ang pagkawasak ng Imperyong Gupta noong ika-6 na dantaon, muling pinamunuan ang Indya ng maraming kahariang pangrehiyon.

  1. Schwartzberg, Joseph E. (1978). A Historical atlas of South Asia (sa wikang Ingles). Chicago: University of Chicago Press. p. 145, map XIV.1 (j); p.25. ISBN 0226742210. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2021. Nakuha noong 12 Pebrero 2022.
  2. Bakker, Hans (1984), Ayodhya, Part 1: The History of Ayodhya from the seventh century BC to the middle of the 18th century, Groningen: Egbert Forsten, p. 12, ISBN 90-6980-007-1
  3. * Hans T. Bakker (1982). "The rise of Ayodhya as a place of pilgrimage". Indo-Iranian Journal. 24 (2): 105. doi:10.1163/000000082790081267. S2CID 161957449. During the reign of either the emperor Kumāragupta or, more probably, that of his successor Skandagupta (AD 455–467), the capital of the empire was moved from Pāțaliputra to Ayodhyā...
  4. pg.17 : Gupta Empire at its height (5th-6th centuries) connected with the development of Mahayana Buddhism with the development of Tantric Buddhism.Ganeri, Anita (2007). Buddhism. Internet Archive. London : Franklin Watts. p. 17. ISBN 978-0-7496-6979-9. (sa Ingles)
  5. Smith, Vincent A. "Chapter 11 – The Gupta Empire and the Western Satraps: Chandragupta I to Kumaragupta I". The Public's Library and Digital Archive (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Hulyo 2024.
  6. Angus Maddison (2001). "Growth of World Population, GDP and GDP Per Capita before 1820" (sa wikang Ingles). p. 238.
  7. Turchin, Peter; Adams, Jonathan M.; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires". Journal of World-Systems Research (sa wikang Ingles). 12 (2): 223. doi:10.5195/JWSR.2006.369. ISSN 1076-156X.
  8. Taagepera, Rein (1979). "Size and Duration of Empires: Growth-Decline Curves, 600 B.C. to 600 A.D". Social Science History (sa wikang Ingles). 3 (3/4): 121. doi:10.2307/1170959. JSTOR 1170959.
  9. Gupta Dynasty – MSN Encarta (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2009.
  10. Stein 2010.
  11. Keay, John (2000). India: A history (sa wikang Ingles). Atlantic Monthly Press. pp. 151–52. ISBN 978-0-87113-800-2. Kalidasa wrote ... with excellence which, by unanimous consent, justifies the inevitable comparisons with Shakespeare ... When and where Kalidasa lived remains a mystery. He acknowledges no links with the Guptas; he may not even have coincided with them ... but the poet's vivid awareness of the terrain of the entire subcontinent argues strongly for a Guptan provenance.
  12. Vidya Dhar Mahajan 1990.
  13. 13.0 13.1 Keay, John (2000). India: A history (sa wikang Ingles). Atlantic Monthly Press. p. 132. ISBN 978-0-87113-800-2. The great era of all that is deemed classical in Indian literature, art and science was now dawning. It was this crescendo of creativity and scholarship, as much as ... political achievements of the Guptas, which would make their age so golden.
  14. 14.0 14.1 J.C. Harle 1994.
  15. Dikshitar, V. R. Ramachandra (1993). The Gupta Polity (sa wikang Ingles). Motilal Banarsidass Publ. ISBN 978-81-208-1024-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2020. Nakuha noong 1 Hulyo 2020.
  16. Nath sen, Sailendra (1999). Ancient Indian History and Civilization (sa wikang Ingles). Routledge. p. 227. ISBN 9788122411980. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 7, 2021. Nakuha noong 30 Agosto 2020.
  17. Grousset, Rene (1970). The Empire of the Steppes (sa wikang Ingles). Rutgers University Press. p. 69. ISBN 978-0-8135-1304-1.
  18. Ashvini Agrawal 1989.

Previous Page Next Page