Imperyong Monggol Ikh Mongol Uls
| |
---|---|
1206–1368 | |
![]() Pagpapalawak ng Imperyong Monggol 1206–1294. | |
Katayuan | Imperyong pagala |
Kabisera | |
Karaniwang wika | |
Relihiyon | |
Pamahalaan | Inihahalal na monarkiya; mamayang namamana rin |
Dakilang Khan | |
• 1206–1227 | Genghis Khan |
• 1229–1241 | Ögedei Khan |
• 1246–1248 | Güyük Khan |
• 1251–1259 | Möngke Khan |
• 1260–1294 | Kublai Khan (Nominal) |
• 1333–1368 | Toghan Temür Khan (Nominal) |
Lehislatura | Kurultai |
Kasaysayan | |
• Inihayag ni Genghis Khan ang Imperyong Monggol | 1206 |
• Kamatayan ni Genghis Khan | 1227 |
1250–1350 | |
1260–1294 | |
• Pagbagsak ng Dinastiyang Yuan | 1368 |
• Pagguho ng Kanatong Chagatai | 1687 |
Lawak | |
1206 (Pagkakaisa ng Mongolia)[1] | 4,000,000 km2 (1,500,000 mi kuw) |
1227 (Kamatayan ni Genghis Khan)[1] | 13,500,000 km2 (5,200,000 mi kuw) |
1294 (Kamatayan ni Kublai)[1] | 23,500,000 km2 (9,100,000 mi kuw) |
1309 (Huling pormal na muling pagkakaisa)[1] | 24,000,000 km2 (9,300,000 mi kuw) |
Salapi | Iba't-iba [c] |
Ang Imperyong Monggol (Monggol: Mongolyn Ezent Güren; Sirilikong Monggol: Монголын эзэнт гүрэн) ay umiral noong ika-13 at ika-14 na siglo at ang pinakamalaking magkakaratig na lupang imperyo sa kasaysayan.[2] Nagmula sa mga steppe ng Gitnang Asya, ang Imperyong Monggol ay kalaunan na umunat mula sa Gitnang Europa hanggang sa Dagat ng Hapon, lumalawak pahilaga sa Siberia, patungong silangan at patimog sa Indiyanong subcontinent, Indotsina, at ang Iranyang talampas, at pakanluran hanggang sa Levant at Arabia.
Ang Imperyong Monggol ay lumitaw mula sa pag-iisa ng lagalag na tribu sa Monggol na lupang tinubuan sa ilalim ng pamumuno ni Genghis Khan, na naihayag bilang pinuno ng lahat ng mga Monggol noong 1206. Ang imperyo ay mabilis na lumago sa ilalim ng mga tuntunin niya at ng kanyang mga inapo, na nagsugo sa mga pagsalakay sa bawat direksyon.[3][4][5][6][7] Ang malawak na transkontinental na imperyo ay nadugtong sa silangan sa kanluran ng ipinatupad na Pax Mongolica na nagpapahintulot sa kalakalan, teknolohiya, mga kailanganin, at ideyolohiya na mapalaganap at mapaagpalit-palitan sa kabuuan ng Eurasya.[8][9]
Ang imperyo ay nagumpisang mabiak dahil sa mga digmaan para sa paghalili, bilang ang mga apo ni Genghis Khan ay nagtalo kung ang maharlikang linya ay dapat na sundin mula sa kanyang anak na lalaki at unang tagapagmana na si Ögedei o isa sa kanyang iba pang mga anak, tulad nina Tolui, Chagatai, o Jochi. Ang mga Toluid ay nanaig matapos ang isang madugong pagpurga ng Ögedeid at Chagataid na mga paksiyon, ngunit ang mga alitan ay nagpatuloy kahit na sa mga inapo ni Tolui. Matapos ang kamatayan ni Möngke Khan, ang mga magkakaribal na kurultai na konseho ay sabay na naghalal ng ibang mga kapalit, ang magkapatid na sina Ariq Böke at Kublai Khan, na pagkatapos ay hindi lamang nakipaglaban sa isa't isa sa Digmaang Sibil ng Toluid, ngunit humarap din ng mga hamon mula sa mga inapo ng iba pang mga anak ni Genghis.[10][11] Matagumpay na nakuha ni Kublai ang kapangyarihan, ngunit sumunod ang digmaang sibil nang hindi matagumpay na minithi ni Kublai ang pagbawi ng kontrol ng mga Chagatayid at Ögedeid na pamilya.
Ang Labanan ng Ain Jalut sa 1260 ay nagmarka ng mataas na punto ng Monggol na pananakop at naging ang unang pagkakataon kailanman na ang isang Monggol na pagsulong ay natalo sa direktang pagbabaka sa labanan. Bagaman ang mga Monggol ay naglunsad ng marami pang mga pagsalakay sa Levant, saglit na inokupahan ito at lumusob hanggang sa Gaza pagkatapos ng isang hindi mapag-aalinlanganang tagumpay sa Labanan ng Wadi al-Khazandar sa 1299, sila ay umurong dahil sa iba't ibang heopolitikal na kadahilanan.
Sa panahon ng kamatayan ni Kublai noong 1294, ang Imperyong Monggol ay nabiak sa apat na magkakahiwalay na mga kanato o imperyo, ang bawat isa humahabol sa sarili nitong hiwalay na mga interes at mga layunin: ang Ginintuang Kawan na kanato sa hilagang-kanluran; ang Kanatong Chagatai sa gitna; ang Ilhanato sa timog-kanluran; at ang Dinastiyang Yuan sa silangan na nakabase sa modernong-araw na Beijing.[12] Noong 1304, ang tatlong kanluraning mga kanato ay daglian na tumanggap ng nominal na suzerainty ng Dinastiyang Yuan,[13][14] ngunit mamaya ito ay napatalsik ng Tsinong Han na Dinastiyang Ming sa 1368. Ang mga Genghisid na pinuno ng Yuan ay bumalik sa Mongolia lupang tinubuan at patuloy na namuno sa Hilagang Dinastiyang Yuan, habang ang Ginintuang Kawan at ang Kanatong Chagatai ay tumagal sa isang anyo o iba ng ilang karagdagang mga siglo matapos ang pagbagsak ng Dinastiyang Yuan at ang Ilhanato.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)