Dinastiyang Timurida تیموریان | ||
---|---|---|
dating bansa | ||
| ||
Mga koordinado: 34°20′28″N 62°12′11″E / 34.341°N 62.203°E | ||
Itinatag | 1370 (Huliyano) | |
Binuwag | 1507 (Huliyano) | |
Ipinangalan kay (sa) | Dinastiyang Timurida | |
Kabisera | Samarqand, Herat | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Feudalismo | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 4,400,000 km2 (1,700,000 milya kuwadrado) | |
Wika | Wikang Persa |
Ang Imperyong Timurida (Persa: تیموریان), tinalaga ang sarili bilang Gurkani (Persa: گورکانیان), ay isang imperyong Persyanatong[1][2] Turko-Mongol na binubuo ng makabagong Uzbekistan, Iran, ang katimugang Caucasus, Mesopotamia, Afghanistan, karamihan ng Gitnang Asia, gayon din ang kontemporaryong Indya, Pakistan, Syria at Turkey.
Itinatag ang imperyo ni Timur (kilala din Tamerlane), isang warlord o pinuno ng militar na may lahing Turko-Mongol, na itinatag ang imperyo sa pagitan ng 1370 at kanyang kamatayan noong 1405. Nakita niya ang sarili bilang dakilang tagapagpanumbalik ng Imperyong Mongol ni Genghis Khan, na pinapahalagaan ang sarili bilang tagapagmana ni Genghis, at labis na inugnay sa Borjigin. Nagpatuloy si Timur ng masiglang ugnayan sa kalakalan sa dinastiyang Ming ng Tsina at ang Ginintuang Horda, kasama ang mga diplomatikong Tsino tulad nina Ma Huan at Chen Cheng na regular na naglalakbay tungong kanluran sa Samarkand upang kolektahin ang tributo at magbenta ng mga produkto, na pinapagpatuloy ang tradisyon ng imperyong Mongol. Napunta ang imperyo sa Renasimiyentong Timurida, partikular noong paghahari ng astronomo at matematikong si Ulugh Begh.
Noong 1467, nawala sa namamayaning dinastiyang Timurida, o mga Timurida, ang karamihan ng Persya sa konpederasyong Aq Qoyunlu. Subalit nagpatuloy ang mga kasapi ng dinastiyang Timurida sa paghahari sa mas maliit na mga estado, na kilala minsang bilang mga emiratong Timurida, sa Gitnang Asya at ilang bahagi ng Indya. Noong ika-16 na dantaon, sinalakay ni Babur, isang prisipeng Timurida mula sa Ferghan (makabagong Uzbekistan), ang Kabulistan (makabagong Afghanistan) at itinatag ang isang maliit na kaharian doon. Pagkaraan ng dalawampung taon, ginamit niya ang kaharian bilang isang paraan upang masalakay ang Indya at maitatag ang Imperyong Mughal.
Nevertheless, in the complex process of transition, members of the Timurid dynasty and their Turko-Mongolian supporters became acculturated by the surrounding Persianate millieu adopting Persian cultural models and tastes and acting as patrons of Persian language, culture, painting, architecture and music. [...] The last members of the dynasty, notably Sultan-Abu Sa'id and Sultan-Husain, in fact came to be regarded as ideal Perso-Islamic rulers who devoted as much attention to agricultural development as they did to fostering Persianate court culture.