Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Inhinyeriyang heoteknikal

Ang inihinyeriyang heoteknikal (Ingles: geotechnical engineering) ay isang sangay sa inhinyeriyang sibil na nakatuon sa lakas at katangian ng lupa at ang aplikasyon o gamit nito sa inihinyeriya. Ang iniimbestigahan kadalasan dito ay ang lakas ng lupa na mabuhat ang isang mabigat na gusali, kung ligtas ang dalusdos na ito at sa paggawa ng mga lupa na itatayo ng kalsada at saka sa konstruksiyon ng gusali.

Ilan sa mga katangian ng lupa na mahalaga sa inhinyeriyang heoteknikal ay ang mga sumusunod: ang sagad na lakas ng paggupit (shear strength), timbang ng yunit (unit weight), at mga hangganan o limitasyong Atterberg (Atterberg limits).

Ang sagad na lakas ng paggupit ay ang lakas ng lupa para maiiwasan ang pagbagsak dahil sa shear stress o diing pagupit. Kinukuha ng shear strength ang kanyang lakas sa pamamagitan ng dalawang kadahilanan: anggulo ng pagkiskis (friction angle) saka pagkakaisa o kohesyon ng lupa. Ang mga numero ng anggulo ng priksiyon at kohesyon ay nakukuha na gamit ang pasusulit na tri-aksiyal o tatluhang ehe na ginagaya ang likas na kalagayan ng lupa sa mundo.

Ang timbang o bigat ng yunit naman ay ang bigat kada dami ng lupa. Importante ito sa kadahilanang dito kinukuha ang kakayahan ng lupa na mapigilan ang bigat na nilalagay sa kanya pahalang o patayo man ito.

Ang mga limitasyong Atterberg ang nagbibigay ng kalagayan ng lupa kung ito ba ay malambot dahil sa dami ng tubig o matigas dahil sa sobrang pagkatuyo nito. Nahahati ang mga hangganan sa tatlong mga bahagi: solido, plastik, at likido. Kapag sinabing kalagayang likido (liquid state) ang lupa, ang lupa ay parang isang tubig, pag plastik naman ay nagsisimula na siyang manigas, at kapag solido ay sobrang tigas na niya.


Previous Page Next Page