Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Inskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna

Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna
Larawan ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna na nakatanghal ng seksyong Baybayin ng Pambansang Museo ng Antropolohiya sa Maynila
Paglalarawan
MateryalTanso
Taas< 20 cm (7.9 pul)
Lapad< 30 cm (12 pul)
Petsa
GinawaIka-Abril 21, 900 (1125 taon nang nakalipas)
Pagkakatuklas
Natuklasan1989
Lumban, Laguna, Philippines
Kasalukuyan
NasaPambansang Museo ng Pilipinas
Kultura
WikaPangunahing Lumang Malay na may ilang Sanskrit at maaaring Lumang Habanes o Lumang Tagalog ayon kay Antoon Postma.
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas

Ang Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna[1] (Malay: Prasasti keping tembaga Laguna; kadalasang pinapaikli sa akronim na LCI), isang ligal na dokumento na binatbat sa tanso noong 900 PK, ay siyang pinakalumang kasulatan na natagpuan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ayon sa petsa ng inskripsyon, magkapanabay ito sa kaharian ng Balitung ng Gitnang Java, ngunit hindi naman ibig sabihin na nanggaling ito mula sa lugar na iyon.[2]

Noong 1989, natagpuan ito ni Ginoong Ernesto Lacerna Legisma sa wawa ng Ilog Lumbang sa barangay Wawa, Lumban, Laguna. Unang isinalin ang inskripsyon na nakasulat sa isang uri ng Lumang Malay gamit ang sulat-Kawi ni Antoon Postma, isang noong Olandes na antropologo at dalubhasa sa sulat-Hanunó'o, noong 1992.[3][4]

Dokumentado sa LCI ang pagkakaroon ng iilang maagang Pilipinong estado sa noong 900 PK, lalo na ang estado sa wawa ng Ilog Pasig, Tondo.[2] Pinaniniwalaan ng mga isklor na nagpapahiwatig nito ang pagkakaugnay sa kalakalan, kultura, at marahil sa pulitika rin sa mga estado at di-kukulangin sa isang kaalinsabay na Asyanong sibilisasyon—ang Kaharian ng Medang mula sa pulo ng Java.[2]

Nakasulat ang inskripsyon sa sulat-Kawi—isang sistema ng pagsusulat na nilinang sa Java—gamit ang halo ng mga wika tulad ng Sanskrito, lumang Habanes, at lumang Malay. Ito ay isang pambihirang badha ng impluwensyang Habanes na nagmumungkahi ng interinsular exchanges noong panahong iyon.[5]

  1. "Ang Tundo sa Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna" (PDF). Bagong Kasaysayan. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2017-08-22. Nakuha noong Disyembre 2, 2015.
  2. 2.0 2.1 2.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Postma); $2
  3. Postma, Antoon (April–June 1992). "The Laguna Copper-Plate Inscription: Text and Commentary". Philippine Studies. 40 (2). Ateneo de Manila University: 182–203. JSTOR 42633308.
  4. Tiongson, Jaime F. (August 8, 2010). "Laguna Copperplate Inscription: A New Interpretation Using Early Tagalog Dictionaries". Bayang Pinagpala. Retrieved on 2011-11-18. Naka-arkibo September 29, 2012, sa Wayback Machine.
  5. Munoz, Paul Michel (2006). Early Kingdoms of the Indonesian Archipelago and the Malay Peninsula. Continental Sales, Incorporated. p. 236. ISBN 9789814155670.

Previous Page Next Page