Istanbul İstanbul | |
---|---|
munisipalidad metropolitana sa Turkey, dating kabisera, megacity, largest city, daungang lungsod, big city, ancient city | |
Mga koordinado: 41°00′36″N 28°57′37″E / 41.01°N 28.9603°E | |
Bansa | Turkiya |
Lokasyon | Lalawigan ng Istanbul, Turkiya |
Itinatag | 29 Mayo 1453 (Huliyano) |
Pamahalaan | |
• mayor of Istanbul | Ekrem İmamoğlu |
Lawak | |
• Kabuuan | 5,343 km2 (2,063 milya kuwadrado) |
Populasyon (2023)[1] | |
• Kabuuan | 15,655,924 |
• Kapal | 2,900/km2 (7,600/milya kuwadrado) |
Plaka ng sasakyan | 34 |
Websayt | https://www.ibb.istanbul/en |
Ang Istanbul (Turko: İstanbul [isˈtanbuɫ] ( pakinggan)) ay ang dating kabisera ng Silangang Imperyo Romano at Imperyong Ottoman ng Turkiya, kilala sa kasaysayan bilang Constantinople (bigkas: /kons·tan·ti·no·pol/) at Byzantium. Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking lungsod sa Turkiya na may populasyon na 15,067,724 (taya noong Disyembre 31, 2018).[2] Isa ito sa pinakamataong lungsod sa buong sanlibutan at pinakamataong lungsod sa Europa. Adminstratibong sentro ang lungsod ng Kalakhang Munisipalidad ng Istanbul (coterminous o kapareho sa Lalawigan ng Istanbul).
Ang lungsod na ito ang sentrong pang-ekonomiya, pangkalinangan at pangkasaysayan ng bansa. Isang lungsod na transkontinental sa Eurasya ang Istanbul na sumasaklang sa kipot ng Bosporus (na pinaghihiwalay ang Europa at Asya) sa pagitan ng Dagat ng Marmara at Dagat Itim . Ang pangkomesrsyo at pangkasaysayang sentro ay nasa bandang Europa at mga ikatlo ng populasyon nito ay nasa naik sa bandang Asya ng Bosporus.[3] Nakikita ang Istanbul bilang isang tulay sa pagitan ng Silangan at Kanluran.
Nagbiyahe ang mahigit 13.4 milyong bisita sa Istanbul noong 2013, walong taon matapos itong tinawag na isang Europeong Kabisera ng Kultura, na gumagawa ito ang ikawalong pinaka-binisita lungsod sa mundo. Ang makasaysayang sentro ng Istanbul (Turko: İstanbul'un Tarihî Alanları) ay isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO, at naghohost ang lungsod ng mga punong himpilan ng iba't ibang kompanyang Turko, na responsable para sa mahigit tatlumpung porsyento ng ekonomiya ng bansa.