Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.
Itlog
Tungkol sa mga itlog sa biyolohiya ang artikulo na ito. Para sa itlog na kinakain, tingnan ang Itlog (pagkain).
Ang itlog ay bilugang bagay na naglalaman ng hindi pa ipinapanganak na batang anak ng mga babaengibon (sisiw), isda, o reptilya. Ngunit maaari rin itong tumukoy sa isang nag-iisang sihay, ang obum,[1] na nasa loob ng isang hayop o taong babae na maaaring maging isang sanggol.[2] Tinatawag na balot ang napertilisahang itlog ng bibe.[1] Tinatawag namang puga ang itlog ng mga isda o ng mga talangka.[1] Ang itlog na hindi napisa at nabulok ay tinatawag na bugok.[3]