Haring Joiacin | |
---|---|
![]() Jeconiah from Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
Paghahari | ipinagpalagay na Dis. 9, 598 – Mar. 15/16, 597 BCE |
Koronasyon | ipinagpalagay na Dis. 9, 598 BCE |
Kapanganakan | ipinagpalagay na c. 615 or 605 BCE |
Lugar ng kapanganakan | Herusalem |
Kamatayan | before c. 562 BCE |
Sinundan | haring Jehoiakim na kanyang ama |
Kahalili | Zedekias, Tito |
Supling | Salathiel |
Ama | Jehoiakim |
Ina | Nehushta ayon sa 2 Hari 24:8 |
Si Joiacin (Hebreo: יְכָנְיָה Yəḵonəyā [jəxɔnjaː] na nangangahulugang "itinatag ni Yah";[1] Griyego: Ιεχονιας; Latin: Iechonias, Jechonias), Conias(Jeremias 22:4,28) o sa Ingles ay Jehoiachin (Hebreo: יְהוֹיָכִין Yəhōyāḵīn [jəhoːjaːˈxiːn]; Latin: Ioachin, Joachin) ay isang hari ng Kaharian ng Juda na tinanggal sa trono ni Nabucodonosor II at ipinatapon sa Babilonya. Siya ang humalili sa kanyang amang si Jehoiakim bilang hari ng Kaharian ng Juda. Ang karamihan ng alam sa kanya ay mula sa Lumang Tipan. Siya ay sinasabing nakatala sa tabletang rasyon na natagpuan sa Iraq sa Tarangkahan ni Ishtar na may petsa ca. 592 BCE. Binanggit rito ang (Acadio: 𒅀𒀪𒌑𒆠𒉡, Yaʾúkinu [ia-ʾ-ú-ki-nu]) na isa sa limang anak na tumatanggap ng rasyon ng pagkain sa Babilonya.[2] Ayon sa 2 Kronika 36:9, si Jeconias ay 8 taong gulang nang maghari ngunit ayon sa 2 Hari 24:8, si Jeconias ay 18 taong gulang nang maghari.