San Jose | |
---|---|
![]() Si San Jose at ang Batang Hesus, Guido Reni (c. 1635) | |
Ipinanganak | Bethlehem,[1] c.90 BC (ayon sa di-kanonikal na pagsusuri) [1] |
Namatay | Nazareth, Hulyo 20, 18 AD[1] (tradisyunal) |
Kapistahan | Marso 19 - San Jose, Asawa ni Maria (Kanluraning Kristiyano),
Mayo 1 - San Jose ang Manggagawa (Simbahang Katoliko Romano), Linggo pagkatapos ng Pasko ng Pagsilang (Silangang Kristiyano) |
Katangian | mga kagamitan ng Karpintero, ang batang si Hesus, staff with lily blossoms. |
Patron | Simbahang Katolika, unborn children, mga ama, immigrante, mga manggagawa, against doubt and hesitation, at sa magandang kamatayan, Vietnam, Pilipinas. Many others; see [1]. |
Si Jose na mula sa angkan ni David(ayon sa Ebanghelyo ni Lucas 1:27; 2:4; 3:23 at Ebanghelyo ni Mateo 1:16) (Hebreo: יוֹסֵף, kilala rin bilang San Jose, Jose ang Nangakong Magpakasal (Joseph the Betrothed), Jose ng Nazaret, Jose ang Manggagawa at iba pang mga pamagat) ay nakilala mula sa Bagong Tipan ng Bibliya bilang ang asawang lalaki ni Mariang Ina ni Hesus[2] at bagaman ayon sa tradisyong Kristiyano na hindi siya ang biyolohikal o tunay na ama ni Hesus, siya ang gumanap na pangalawang ama o ama-amahan nito.[3][4][5] at ulo ng Banal na Mag-anak. Itinuturing siyang isang santo ng mga simbahang Romano Katoliko, Silanganing Ortodoksiya, at Anglikano. Siya ang pintakasing santo para sa Katarungang Panlipunan. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-1 ng Mayo.