Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Julio Cesar

Imperator Gaius Julius Caesar Divus
Diktador ng Republikang Romano
Rebulto ni Julius Caesar o Caesar sa Museo ng Louvre sa Paris
Kapanganakan
Gaius Julius

12 Hulyo 100 BC o 102 BC
Kamatayan15 Marso 44 BC
NasyonalidadRomano
AsawaCornelia Cinna minor (84–68 BK)
Pompeia (68–63 BK)
Calpurnia Pisonis (59–44 BK)
AnakJulia Caesaris (85/84-54 BK)
Caesarion (47-30 BK)
Augustus (63 BK-AD 14) (apo sa pamangkin, inampon ni Caesar bilang anak at tagapagmana pagkatapos niyang mamatay noong 44BK)
MagulangGaius Julius Caesar
Aurelia Cotta

Si Imperador Gaius Julius Caesar Divus (CAIVS IVLIVS CAESAR o GAIVS IVLIVS CAESAR sa Klasikong Latin) (Hulyo 12, ca. 100 BCE–Marso 15, 44 BCE) ay isang Romanong politiko, heneral, at dakilang manunulat ng prosang Latin. Susi siya sa pagbagsak ng Republikang Romano tungo sa pag-usbong ng Imperyong Romano. Ipinalawak ng kaniyang pagsakop ng Gallia ang daigdig Romano hanggang sa Dagat Atlantiko at nagbigay-daan ito sa pagpapakilala ng mga impluwensiyang Romano sa ang ngayon ay Pransiya, kung saan ang mga bunga nito ay kapuna-puna. Nagdulot din ito sa pagkalipol ng mga wikang Seltiko sa Gallia. Noong 55 BCE inilunsad ng Caesar ang kauna-unahang paglusob ng mga Romano sa Britanya.

Nakipaglaban at nanalo ang Caesar sa isang digmaang sibil na nag-iwan sa kaniya bilang tunay at kaisa-isang puno ng daigdig Romano. Nagsimula siya ng malawakang pagbabago ng lipunan at pamahalaang Romano. Iprinoklama siyang panghabambuhay na diktador, at lubos niyang isinentralisa, o isinaisa, ang humihina at nagwawatak-watak nang pamahalaan ng Republika. Nakipagsabwatan ang kaibigan ng Caesar na si Marcus Brutus upang patayin siya nang pataksil sa pag-asang mailigtas ang Republika. Siya ay pinatay sa loob ng senado ng kaniyang kaibígan na si Brutus, pagpatay nang pataksil noong Ides of March ay nagsiklab ng panibagong digmaang sibil sa pagitan ng CaesariansOctavianus, Mark Antony (Marcus Antonius), at Marcus Lepidus—at ng mga Republikano—Brutus, Cassius, at Cicero, kasáma ng mga iba. Nagtapos ang alitang ito sa pagtagumpay ng Caesarians sa Labanan sa Fílippoi, at sa pormal na pagtatatag ng Ikalawang Triumviratus nang sa pamamagitan ay kinontrol nina Octavianus, Antonius, at Lepidus ang Roma. Napatubog na naman ang Roma sa isa pang digmaang sibil dahil sa tensiyon sa pagitan nina Octavianus at Antonius na nauwi sa pagkatalo ng pangalawa sa Labanan sa Actium at ang pag-iwan kay Octavianus bílang tunay at kaisa-isang pinuno ng daigdig Romano.

Nagdulot ang panahong ito ng mga digmaang sibil sa pagpalit-anyo ng Roma mula Republika patungong Imperyo kung saan ang pamangkin ng Caesar sa tuhod at inampon niyang anak na si Octavian ang naging unang Emperor nito sa pangalang Caesar Augustus. Ang mga namúnò sa mga unang panahon ng Imperyong Romano ay ang kaniyang angkan na tinawag na Dinastiyang Hulio-Claudian.

Kilalá nang detalyado ang mga kilusang militar ng Caesar mula sa kaniyang sariling sinulat na Commentarii (Mga Pagpupuna) at maraming bahagi ng kaniyang búhay ay itinalâ ng mga mananalaysay tulad nina Suetonius, Ploútarchos, at Dio Cassius.


Previous Page Next Page