ᜋᜇ᜔ᜌ᜵ᜀᜐ᜔ Madya-as Madja-as | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
c.1200–1569 | |||||||||
Kabisera | Sinugbohan Irong-Irong Malandog Akean | ||||||||
Karaniwang wika | Mga wikang Bisaya (kasalukuyang Karay-a, Aklanon, Hiligaynon, Sebwano sa Negros Oriental) | ||||||||
Relihiyon | Animismo at Shamanismo na may halong Budismo at Hinduismo | ||||||||
Pamahalaan | Kadatuan | ||||||||
Kasaysayan | |||||||||
• Itinatag ng 10 Datu | c.1200 | ||||||||
• Pagsakop ng Espanya at nakasama sa Imperyong Kastila | 1569 | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng | Pilipinas |
Ang Kumpederasyon ng Madyaas (Baybayin: ᜋᜇ᜔ᜌ᜵ᜀᜐ᜔; Madya-as) o kilala rin bilang Sri-Visaya, ay isang bansa sa Kabisayaan. Ito ay nabuo at natatag sa pagkakaisa ng siyam na Datu laban sa Brunay at naging isang dakilang estadong Bisaya[1] na ang mga tao at ang mga pinuno nito ay nanirahan sa mga pulo ng Kabisayaan matapos ang kanilang pag-aaklas, ito ay naging pangalawang makapangyarihang estado sa kapuluan ng Pilipinas kasama ang Bayan ng Tondo, Estado ng Maynila, Kasultanan ng Sulu at Kasultanan ng Maguindanao.[1] Sinsasabi sa lokal na alamat na ang pangalan ng Rahang taga-Borneo ay si Makatunao.