Ang kahoy ay isang tisyung pang-estraktura na matatagpuan sa mga tangkay at ugat ng mga puno at iba pang makahoy na halaman. Isa itong organikong materyal – isang natural na kompositiong mga hiblang selulusa na malakas sa tensyon at nakapirmi sa isang matris ng lignina na lumalaban sa kompresyon. Binibigyang kahulugan minsan ang kahoy bilang pangalawang silema (o xylem) lamang sa mga tangkay ng mga puno[1] o sa mas malawak na kahulugan, upang isama ang parehong uri ng tisyu sa ibang lugar, tulad ng sa mga ugat ng mga puno o mga palumpong. Sa isang buhay na puno, gumaganap ito isang suportang tungkulin, na nagbibigay-daan sa makahoy na mga halaman na lumaki o tumayo nang mag-isa. Naghahatid din ito ng tubig at mga sustansya sa pagitan ng mga dahon, iba pang lumalagong tisyu, at mga ugat. Maaari din na tumukoy ang sa iba pang mga materyales sa halaman na may maihahambing na mga katangian, at sa materyal na ininhinyero mula sa kahoy, mga nasinsel na kahoy, o hibla.
Ang kahoy ay ginamit sa libu-libong taon bilang panggatong, materyales sa konstruksyon, paggawa ng mga kasangkapan at sandata, muwebles at papel. Lumitaw kamakailan lamang ito bilang isang kagamitang panangkap para sa produksyon ng pinurong selulosa at mga deribatibo nito, tulad ng selopan (cellophane) at asetatong selulosa.
Noong 2020, ang lumalaking nakalaan sa mga kagubatan sa buong mundo ay humigit-kumulang 557 bilyong metro kubiko.[2] Bilang isang napakaraming karbong-nyutral[3] na nababagong mapagkukunan, naging matinding interes ang mga makahoy na materyales bilang pinagmumulan ng nababagong enerhiya. Noong 2008, humigit-kumulang 3.97 bilyong metro kubiko ng kahoy ang inani.[2] Ang nangingibabaw na paggamit ay para sa mga kasangkapan at pagtatayo ng gusali.[4]
Ang kahoy ay siyentipikong pinag-aralan at sinaliksik sa pamamagitan ng disiplina ng agham ng kahoy, na sinimulan mula pa noong simula ng ika-20 dantaon.