Kalamnan | |
---|---|
Mga pagkakakilanlan | |
FMA | 5022 30316, 5022 |
Ang laman, kalamnan, masel, o muskulo (sa Ingles: muscle; sa Latin: musculus, na may kahulugang "bubwit" o "maliit na daga")[1] ay mga nagpapagalaw na mga tisyu ng katawan at hinango mula sa patong na mesodermal ng mga selulang mikrobyong embriyoniko. Sa mga bertebrado, inuuri ang tisyung kalamnan sa pambuto (iskeletal), pampuso (kardiyako), at kalamnang makinis,[2][3] at tungkulin nitong lumikha ng lakas (puwersa) at magdulot ng galaw, na maaaring lokomosyon o kilos sa loob ng mga lamang loob (organong panloob).
Nangyayari ang karamihan sa mga paggalaw ng mga kalamnan na hindi direktang pinapagalaw ng isip at kinakailangang para sa buhay, katulad ng galaw ng puso, o peristalsis na nagtutulak sa pagkakaing lumalagos sa sistema ng dihestiyon (sistemang panunaw). Ginagamit ang kusang-loob na paggalaw sa pagpapakilos ng katawan, at maaaring pinuhin at pigilin, katulad ng mga galaw ng mata, o magaspang na kilos tulad ng sa muskulong kuwadriseps ng hita. May dalawang malawakang uri ng himaymay o pibro ng mga lamang kusang-napapagalaw (boluntaryo), mabagal na pintig at mabilis na pintig. Kumikilos ang mga himaymay na may mabagal na pintig sa loob ng mahahabang mga panahon subalit gumagamit na kaunting puwersa, habang maliksi namang gumagalaw at madaling mapagod ang mga himaymay na mabilis kung pumintig.
{{cite journal}}
: Cite journal requires |journal=
(tulong)