Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Kalye Padre Faura

Kalye Padre Faura
Padre Faura Street
Kalye Padre Faura pasilangan sa Abenida Taft.
Impormasyon sa ruta
Haba1.0 km (0.6 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N181 (Kalye San Marcelino) sa Paco
 
Dulo sa kanluran N120 (Bulebar Roxas) / AH26 sa Ermita
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Preview warning: Page using Template:Infobox road with unknown parameter "location"

Ang Kalye Padre Faura (Ingles: Padre Faura Street) ay isang kalye na dumadaan mula silangan pakanluran sa pusod ng Maynila, Pilipinas. Dinadala nito ang walang salubong na trapiko pakanluran mula Kalye San Marcelino hanggang Bulebar Roxas. Nagsisimula ito sa Kalye San Marcelino sa may Liwasang Paco sa distrito ng Paco. Dadaan ito pakanluran, at babagtasin nito ang Abenida Taft. Paglampas, dadaan ito sa distrito ng Ermita. Tatapos ito sa Bulebar Roxas, sa tapat ng Embahada ng Estados Unidos. Ang haba nito ay 1 kilometro (0.62 milya).

Ipinangalan ang kalye mula kay Federico Faura, paring Kastila at Heswita at tagapamahala ng Obserbatoryo ng Maynila (Observatorio Meteorológico de Manila) na matatagpuan noon sa kalye. Dati itong tinawag na Calle Observatorio.[1][2] Ang Obserbatoryo ng Maynila ay matatagpuan noon sa dating campus ng Ateneo Municipal sa may Padre Faura; pinalitan na ito ngayon ng pook-pamilihan ng Robinsons Place Manila.

  1. "Padre Faura". Philippine Star. Nakuha noong 8 Oktubre 2013..
  2. "Of whirlwinds and waterspouts". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 8 Oktubre 2013.

Previous Page Next Page






Padre Faura Street English Calle Padre Faura Spanish

Responsive image

Responsive image