Ang kawalang-trabaho (Ingles: unemployment), ayon sa OECD (Organisasyon para sa Ekonomikang Pakikipagtulungan at Kaunlaran), ay kung ang mga taong nakatatanda sa nakatukoy na edad (kadalasan 15)[2] ay hindi binabayaran sa pinaghahanapbuhayan o sariling hanapbuhay ngunit makakapagtrabaho sa tinutukoy na yugto.[3]
Sinusukat ang kawalang-trabaho ng antas ng kawalang-trabaho, na bilang ng mga tao na walang trabaho bilang bahagdan ng lakas-paggawa (idinagdag ang kabuuang bilang ng tao na may trabaho sa mga walang trabaho).[4]
Marami ang posibleng sanhi ng kawalang-trabaho, tulad ng:
Ang kawalang-trabaho at kalagayan ng ekomnomiya ay maaaring maimpluwensiyahan ng bansa sa pamamagitan ng patakarang pampananalapi, bilang halimbawa. Bukod pa riyan, makaiimpluwensiya ang awtoridad ng salapi ng bansa, tulad ng bangko sentral, sa pagkakaroon at gastos para sa pera sa pamamagitan ng patakarang pang-salapi nito.
Karagdagan sa mga teorya ng kawalang-trabaho, ginagamit ang iilang pagkakakategorya nito para sa mas tumpak na pagmomodelo sa mga epekto nito sa loob ng sistemang pang-ekonomiya. Kabilang sa mga pangunahing uri ng kawalang-trabaho ang istruktural (structural), pakiskis (frictional), siklikal (cyclical), di-boluntaryo (involuntary) at klasikal (classical). Nakatuon ang istruktural sa mga problema sa pundasyon ng ekonomiya at pagkawalang-liksi na likas sa mga merkado ng paggawa, kabilang ang hindi pagtutugma ng pagpupuno at pangangailangan ng mga manggagawa na may kinakailangang mga kasanayan. Nagbibigay-diin ang mga argumentong istruktural sa mga sanhi at solusyon na may kaugnayan sa mga teknolohiyang nakakagambala and globalisasyon. Nakatuon naman ang mga talakayan sa pakiskis sa mga boluntaryong pagpapasya na magtrabaho ayon sa pagpapahalaga ng indibiduwal sa kanyang sariling trabaho at kung paano ito maihahambing sa kasalukuyang antas ng sahod pati sa oras at pagsisikap na kinakailangan para maghanap ng trabaho. Madalas tumutugon ang mga sanhi at kalutasan para sa pakiskis na kawalang-trabaho sa bungad ng pagpasok sa trabaho at mga antas ng sahod.
Ayon sa Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa (ILO) ng UN, 172 milyon katao sa buong mundo (o 5% ng iniulat na pandaigdigang lakas-paggawa) ang walang trabaho noong 2018.[5]
Dahil sa hirap sa pagsusukat ng antas ng kawalang-trabaho sa pamamagitan ng, bilang halimbawa, mga surbey (tulad ng sa Estados Unidos) o nakarehistrong mamamayan na walang trabaho (tulad ng sa ilang bansa sa Europa), baka mas mainam ang mga estadistikal na bilang tulad ng tagway ng may trabaho sa populasyon (employment-to-population ratio) sa pagsusuri ng kalagayan ng lakas-paggawa at ekonomiya kung batay ang mga ito sa mga taong nakarehistro, halimbawa, bilang mga namumuwis.[6]