Kipot ng Iloilo | |
Tanawin mula sa Kipot ng Iloilo mula sa Pulo ng Guimaras at ang Lungsod ng Iloilo sa likuran.
| |
Bansa | Pilipinas |
---|---|
Rehiyon | Kanlurang Kabisayaan |
Mga tugmaang pampook | 10°42′N 122°36′E / 10.700°N 122.600°E |
Haba | 25 km (16 mi), NE-SW |
Ang Kipot ng Iloilo ay isang kipot sa Pilipinas na naghihiwalay sa mga pulo ng Panay at Guimaras sa Kabisayaan, at nag-uugnay sa Golpo ng Panay sa Kipot ng Guimaras. Matatagpuan sa kipot ang Pantalan ng Iloilo, ang ikatlong pinaka-abalang pantalan sa Pilipinas ayon sa dami ng mga barko.[1] Ang Ilog ng Iloilo ay dumadaloy patungo sa Kipot.