Ang Kolehiyo ng mga Pontipise (Latin: Collegium Pontificum) ay isang katawan ng estadong Sinaunang Roma na ang mga kasapi ay mga pinakamataas na nirangguhang mga saserdote (mga pari) ng relihiyon sa Sinaunang Roma. Ang kolehiyong ito ay binubuyo ng Pontifex Maximus at iba pang mga pontipise na Rex Sacrorum, labinglimang mga flamen at mga Vestal.[1] Ang Kolehiyo ng mga Pontipise ang isa sa apat na pangunahing mga kolehiyong pang-saserdote. Ang iba ay ang mga augurs, quindecimviri sacris faciundis ("labing limang mga lalake na nagsasagawa ng mga rito") at ang mga Epulones. Ang pamagat na pontifex ay nagmula sa Latin na "tagapagtayo ng tulay" na isang posibleng alusyon sa napakaagang papel sa pagpapalubag sa mga diyos at espirito na nauugnay halimbawa sa Ilog Tiber. Ang Pontifex Maximus ang pinakamahalagang kasapi ng kolehiyong ito. Hanggang 104 BCE, ang pontifex maximus ay humawak ng nag-iisang kapangyarihan sa paghiran ng mga kasapi sa iba pang mga pagkasaserdote sa kolehiyo. Ang mga flamen ay mga saserdote na nangangasiwa sa 15 na mga opisyal na kulto ng relihiyong Romano na ang bawat isa ay itinakda sa isang partikular na diyos. Ang tatlong mga pangunahing flamen(flamines maiores) ay mga Flamen Dialis na dakilang saserdote ng diyos na si Hupiter; ang Flamen Martialis na naglilinang kay Mars; ang Flamen Quirinalis na nakalaan kay Quirinus. Ang mga diyos na nililinang ng 12 flamines minores ay sina Carmenta, Ceres, Falacer, Flora, Furrina, Palatua, Pomona, Portunes, Volcanus (Vulcan), Volturnus at dalawa pa na ang mga pangalan ay nawala. Ang mga Birheng Vestal ang mga tanging babaeng kasapi ng kolehiyo. Ang mga ito ay nangangasiwa sa pagbabantay ng sagradong apuyan ng Roma na nagpapanatiling paningasian ang apoy sa loob ng Templo ni Vesta. Sa mga edad na 6 hanggang 10, ang mga batang babae ay pinili para sa posisyong ito at obligado na magsagawa ng mga rito at obligasyon kabilang ang pananatiling birhen sa loob ng 30 taon.