![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Komunistang Internasyonal | |
---|---|
General Secretary | Georgi Dimitrov |
Itinatag | 2 Marso 1919 |
Binuwag | 15 Mayo 1943 |
Humalili sa | |
Sinundan ng | Cominform |
Pahayagan | Communist International |
Pangakabataang Bagwis | Young Communist International |
Palakuruan | |
Posisyong pampolitika | Far-left |
Logo | |
![]() |
Ang Komunistang Internasyonal, dinadaglat na Komintern, at kilala rin bilang ang Ikatlong Internasyonal, ay pandaigdigang organisasyon na itinatag noong 1919 na nagtataguyod ng komunismo sa mundo, at pinamunuan at kinokontrol ng Partido Komunista ng Unyong Sobyetiko. Ang Komintern ay nagpasya sa Ikalawang Kongreso nito noong 1920 na "makipagpunyagi sa lahat ng magagamit na paraan, kabilang ang sandatahang lakas, para sa pagpapatalsik sa pandaigdigang burgesya at ang paglikha ng isang internasyonal na republika ng Sobyet bilang isang yugto ng transisyon tungo sa ganap na pagpawi ng estado". Ang Komintern ay nauna sa paglusaw ng Ikalawang Internasyonal noong 1916.
Ang Komintern ay nagdaos ng pitong Pandaigdigang Kongreso sa Mosku sa pagitan ng 1919 at 1935. Sa panahong iyon, nagsagawa din ito ng labintatlong Pinalaking Pleno ng namumunong Ehekutibong Komite nito, na may halos parehong tungkulin sa medyo mas malaki at mas engrande na mga Kongreso. Binuwag ni Iosif Stalin, pinuno ng Unyong Sobyet, ang Komintern noong 1943 upang maiwasan ang pag-aaway sa kanyang mga kaalyado sa mga huling taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Estados Unidos at Reyno Unido. Ito ay pinalitan ng Kominporm noong 1947.