Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Konstante

Sa matematika, ang salitang konstante (Kastila: constante, Ingles: constant, maaring isalin sa purong Tagalog bilang palagian o hindi nagbabago) ay naghahatid ng maraming kahulugan. Bilang isang pang-uri, tumutukoy ito sa non-variance o walang pagkakaiba (i.e. hindi nagbabago na patungkol sa ilang ibang halaga); bilang isang pangngalan, mayroon itong dalawang kahulugan:

  • Isang nakapirming at mahusay na tinukoy na bilang o ibang walang pagbabagong bagay pangmatematika. Ang mga katawagang konstanteng pangmatematika o konstanteng pisikal ay ginagamit minsan upang ipagkaiba ang kahulugang ito.[1]
  • Isang punsiyon na nanatiling hindi nagbabago ang halaga (i.e., isang punsiyong konstante).[2] Karaniwang kinakatawan ang ganoong konstante ng isang baryable na hindi dumidepende sa (mga) pangunahing baryable na pinag-uusapan.

Halimbawa, karaniwang sinusulat ang isang pangkalahatang punsiyong kuwadratiko bilang:

kung saan mga konstante (o mga parametro) ang a, b at c, at x ay isang baryable—isang pamalit para sa argumento ng punsiyon na pinag-aaralan. Isang mas tahasang paraan upang ipakahulugan ang punsiyon na ito ay

na ginagawa ang katayuan ng punsiyon-argumento ng x (at sa ekstensyon, ang pagkakonstante ng a, b at c) na malinaw. Sa halimbawang ito, ang a, b at c ay mga koepisiyente ng polinomiyo. Yayamang nangyayari ang c sa isang termino na hindi kinakasangkutan ng x, tinatawag ito bilang ang terminong konstante ng polinominyo at puwedeng isipin bilang koepisiyente ng x0. Sa mas pangkalahatan, ang kahit anumang terminong polinominyo o ekpresyon ng digring sero (o walang baryable) ay isang konstante.[3]:18

  1. "Definition of CONSTANT". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-11-09.
  2. Weisstein, Eric W. "Constant". mathworld.wolfram.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-08-08.
  3. Foerster, Paul A. (2006). Algebra and Trigonometry: Functions and Applications, Teacher's Edition (sa wikang Ingles) (ika-Classics (na) edisyon). Upper Saddle River, NJ: Prentice Hall. ISBN 0-13-165711-9.

Previous Page Next Page