Bahagi ng isang serye tungkol sa |
Kasaysayan ng Estados Unidos |
---|
Linyang panahon |
Ayon sa etnisidad
|
British Empire | |
---|---|
Watawat | |
Ang Labintatlong Kolonya ay ang dating naging mga kolonya ng Imperyo ng Britanya sa Hilagang Amerika. Ang mga kolonya ay sinimulan dahil sa ilang mga kadahilanan. Ilang mga tao ang nag-isip na makakalikom sila ng maraming salapi dahil sa bagong mga kalakal sa Amerika na hindi matatagpuan sa Europa, katulad ng tabako. Ang iba ay lumisan mula sa Europa upang makahanap ng kalayaang panrelihiyon o upang makapagsimula lamang nang panibago. Mayroong ilang nagnais na maging tagapamahala ng sarili at makapagbago ng mga bagay-bagay na hindi nila gusto habang nasa Inglatera. Ang unang kolonya ay ang Virginia na nagsimula noong 1607 sa Jamestown. Ang panghuli sa labintatlong mga kolonya ay ang Georgia noong 1732.
Ang Libintatlong Kolonya ng Estados Unidos (nakatala magmula hilaga hanggang sa timog) ay ang mga sumusunod:
Pagkaraan ng Digmaang Pranses at Indiano, lumikha ang Gran Britanya ng bagong mga buwis at iba pang mga batas na nakapagpagalit sa ilang mga tao na nasa mga kolonya. Humantong ito sa digmaan sa pagitan ng Gran Britanya at ng dating mga nasasakupan nito. Ang digmaang ito ay tinawag na Digmaang Rebolusyonaryong Amerikano. Sinabi ng mga kolonya na sila ay malaya na mula sa Gran Britanya noong 4 Hulyo 1776, na nasa Pagpapahayag ng Kalayaan. Ang mga kolonya ay tinawag na Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.