Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.
Literasi
Ang literasi o literasiya ay ang kakayahang magbasa at magsulat. Iminumungkahi ng ilang mananaliksik na ang pag-aaral ng "literasi" bilang isang konsepto ay maaaring hatiin sa dalawang panahon: ang panahon bago ang 1950, kung kailan ang literasi ay naunawaan lamang bilang alpabetikal na literasi (pagkilala ng salita at titik); at ang panahon pagkatapos ng 1950, kung kailan dahan-dahang nagsimulang isaalang-alang ang literasi bilang isang mas malawak na konsepto at proseso, kabilang ang panlipunan at kultural na aspeto ng pagbabasa at pagsulat at functional literacy.[1][2][3]