Ang Logos (Sinauanang Griyego: λόγος, mula sa λέγω lego "Aking sinasabi") ay isang mahalagang termino sa pilosopiya, sikolohiya, retorika at relihiyon. Ito ay orihinal na nangangahulugang "isang saligan", "isang pagsusumamo", "isang opinyon", "isang ekspektasyon", "salita", "talumpati", "salaysay", "katwiran"[1][2] at naging isang terminong teknikal sa pilosopiya mula kay Heraclitus (ca. 535–475 BCE) na gumamit ng terminong ito para sa isang prinsipyo ng kaayusan at kaalaman. [3] Ang terminong ito ay ginamit ng mga sinaunang pilosopo sa iba't ibang mga paraan. Ito ay ginamit ng mga sopista upang pakahulugang diskurso. Ito ay nilapat ni Aristotle upang tukuyin ang "makatwirang diskurso" o argumento sa larangan ng retorika.[4] Tinukoy ng mga pilospong Stoiko ang Logos sa prinsipyong bumubuhay na makadiyos na lumalaganap sa uniberso. Ito ay inangkop ni Philo (ca. 20 BCE– 50 CE) sa pilosopiyang Hudyo.[5] Ito ay tinukoy sa Ebanghelyo ni Juan bilang diyos na sa pamamagitan nito ay ginawa ang lahat ng mga bagay[6] at karagdagang tinukoy si Hesus bilang ang preeksistenteng Logos na nagkatawang tao. Sa akademya, ang terminong ito ay kadalasang tumutukoy sa iba't ibang mga paggamit nito sa Sinaunang Gresya o sa pagkatapos ng Kristiyanismong pagamit sa loob ng kontemporaryong pilosopiya, Sufismo at sa analitikal na sikolohiya ni Carl Jung.