Lungsod ng Zamboanga Lungsod ng Zamboanga | ||
---|---|---|
Ang lungsod ng Zamboanga sa Mindanaw | ||
| ||
Mga koordinado: 6°54′15″N 122°04′34″E / 6.9042°N 122.0761°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Tangway ng Zamboanga (Rehiyong IX) | |
Lalawigan | Wala (Dating bahagi ng Zamboanga Republic) | |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Lungsod ng Zamboanga | |
Mga barangay | 98 (alamin) | |
Pagkatatag | 1635 | |
Ganap na Lungsod | Pebrero 26, 1937 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Maria Isabelle Climaco Salazar (LP) | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Rommel Agan (UNA) | |
• Manghalalal | 445,240 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 1,414.7 km2 (546.2 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 977,234 | |
• Kapal | 690/km2 (1,800/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 227,352 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 3.30% (2021)[2] | |
• Kita | (2022) | |
• Aset | (2022) | |
• Pananagutan | (2022) | |
• Paggasta | (2022) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 7000 | |
PSGC | 097332000 | |
Kodigong pantawag | 62 | |
Uri ng klima | klimang tropiko | |
Mga wika | Wikang Subanon Sebwano Wikang Chavacano wikang Tagalog | |
Websayt | zamboanga.gov.ph |
Ang Lungsod ng Zamboanga ay isang lungsod sa Rehiyon ng Tangway ng Zamboanga ng Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 977,234 sa may 227,352 na kabahayan. Habang hindi nababahagi sa anumang lalawigan ng Pilipinas, minsan itong naiuugnay sa Zamboanga del Sur para lamang sa datos galing sa Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. Pero sa politikalmente hindi kailanman naging bahagi ang Lungsod ng Zamboanga ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ito ay gumaganap bilang isang lubos na urbanisado at malaya o nagsasariling lungsod pero ito ay ang pinakamalaking siyudad sa probinsya.
Sa politikal na lokasyon ayon sa mga karatig pook, matatagpuan ang lungsod sa hilaga ng Probinsya o Lalawigan ng kapuluan ng Basilan lalo na ng Lungsod ng Isabela ng Basilan, timog at timog-silangan ng Bayan ng Sibuco at Sirawai ng Probinsya o Lalawigan ng Hilagang Zamboanga (Zamboanga del Norte), at timog at timog-kanluran ng Bayang ng Tungawan ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga Sibugay. Sa buong rehiyon ng pamamahala o administratibo ng Tangway ng Zamboanga, ito ay matatagpuan sa hilaga ng Lungsod ng Isabela ng Probinsya o Lalawigan ng Basilan ngunit kasama sa rehiyong nabanggit sa mga panrehiyong layunin, sa may timog-kanluran ng buong Probinsya o Lalawigan ng Hilagang Zamboanga (Zamboanga del Norte) sa may gawing timog-kanlurang dulo nito, sa may timog-kanluran din ito ng mga Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga Sibugay at Timog Zamboanga (Zamboanga del Sur).
Sa pisikal na heograpiya, ang lungsod ay matatagpuan sa may silangan at timog-silangan ng Dagat Sulu, sa hilaga ng Kipot ng Basilan, at sa kanluran ng Golpo ng Moro. Makikita ang mga bundok ng Pulo ng Basilan mula sa lungsod lalo na sa Pulong Bato sa Abong-abong, Pasonanca, Zamboanga City sa may malaking krus na matatagpuan sa pinakahilaga ng 14 Stations of the Cross sa may nasabing lugar.
Nagsasalita ang mga tao sa lungsod Zamboanga ng ib't ibang mga wika dahil sa pagiging mala-"melting pot" nito. Kabilang na rito ang mga wikang Tagalog at Filipin, Hiligaynon, Subanen, Tausug, Samal, Badjau, at Cebuano o Bisaya, gayundin ang Ingles. Ang iilan naman ay nagsasalita ng Hapon, ilang wika mula sa bansang India, Ilokano, Waray, Malay kabilang na ang Bahasa Malaysia at Bahasa Indonesia, Koreano, Arabe, at iilan pang ibang banyagang wikang dala ng mga banyaga, dayo, at mga yaong nanirahan o ngatrabaho sa ibang bansa. Ngunit ang karamihan sa mga mamamayan nito lalo na sa mga Katoliko na higit na nakararami sa lungsod ay ang katangi-tangi at kakaibang wika nila, ang Chavacano na isang maituturing lingua franca, ang opisyal na wika ng lungsod, at isang kriyolyong wika batay o mula sa wikang Espanyol o Kastila.
Ang Chavacano ay sinasalita rin sa ibang pook sa bansa gaya lang ng Bayan ng Ternate at Lungsod ng Cavite sa Lalawigan ng Cavite, ngunit iyon ay sinasalita na lamang ng kakaunting populasyon at maaaring unti-unting mawala nang tuluyan. Ang mga pook na ito kabilang na ang lungsod ng Zamboanga ay nagsasalita ng iba't ibang diyalekto ng iisang Wikang Chavacano, kung saan ang Chavacano o Chabacano ng mga pook sa Lalawigan ng Cavite ay naimpluwensiyahang higit ng wikang Tagalog, samantala ang sa Zamboanga ay naimpluwensiyahan naman ng mga katutubong wikang sinasalita sa paligid ng lungsod kabilang na ang Malay o Bahasa Melayu mula sa bansang Malaysia, wikang Tausug ng mga Tausug, Hiligaynon ng mga Ilonggo, Cebuano o Bisaya ng mga Cebuano, at gayundin naman ang Tagalog sa pamammagitan ng wikang Filipino na siyang pinakapormal at mas estandardisadong antas nito at siya ring opisyal at pambansang wika ng bansa, at ng wikang Ingles dahil na rin sa media, edukasyon, mga dayuhan, at sa pagiging isa pang opisyal na wika ng bansa bukod sa wikang Filipino.
Tanging ang diyalekto ng Lungsod ng Zamboanga ang mas buhay, mas may maraming nagsasalita bilang pangunahin o una at bilang pangalawa o pangatlong wika ng mga mamamayan ng lungsod, mga Zamboangueño sa ibang lugar, at ng mga dayo at tao sa karatig lalawigan, maging umaabot sa Sempornah, Sabah, Malaysia. Ito rin ang mas kilala ng ibang tao bilang Wikang Chavacano nang hindi nalalaman na isa lamang ito sa mga diyalekto ng nasabing wika, at kamalian ding tinatawag na "Chavacano" ang mga nagsasalita nito sa halip na dapat ay "Zamboangueño", na isang pangkat etno-linggwistiko ng bansa.
Sa higit na malaking porsiyento, ang Chavacano de Zamboanga o Zamboangueño Chavacano ay magkahalong Wikang Espanyol na parehong Kastila at Mexicano at ng mga lokal na mga wika gaya ng Cebuano, Bahasa Sug, Bahasa Melayu, Tagalog, Hiligaynon, at pati rin ang mga wikang mula sa Mexico gaya ng Nahuat'l na nakadagdag din sa Chavacano sa pamamagitan ng Espanyol ng Mexico o Mexicano. Sa modernong panahon, nahaluan din ng wikang Ingles ang Chavacano.
Ang wikang ito ay mayroong bokabularyo o mga salitang nasa 70-80% na mula sa Espanyol at mga 20-30% na mga bokabularyo o mga salita mula sa ibang mga wika ng bansa, mula sa Nahuta'l ng Mexico sa pamamagitan ng Mehiakanong Espanyol, mula rin sa Malay, at sa Ingles. Ang balarila o gramatika ng Chavacano ay mas simple o pinasimple kaysa sa estandardisadong Espanyol at ang paraan ng pagbubuo ng mga pangungusap at iilang mga salita ay mas nahahawig sa wikang Filipino at mga wika ng bansa.