Ang luwas o eksport sa kalakalang internasyonal ay isang kalakal na ginawa sa isang bansa na ibebenta sa ibang bansa o isang serbisyong ibinigay ng isang bansa para sa isang nasyonal o residente ng ibang bansa. Tinatawag na tagaluwas o eksportador ang nagbebenta ng mga naturang kalakal o ang nagbibigay ng serbisyo; at tinatawag na tagaangkat o importador ang mga dayuhang mamimili.[1] Kabilang sa mga serbisyong nasa kalakalang internasyonal ang mga serbisyo sa pananalapi, pagtutuos at iba pang serbisyong propesyonal, turismo, edukasyon pati na rin ang mga karapatan sa intelektwal na pag-aari.
Sa pagluluwas ng mga kalakal, madalas na kinakailangan ang pakikilahok ng mga awtoridad ng adwana.