Luyang-dilaw | |
---|---|
![]() | |
Curcuma longa | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Klado: | Commelinids |
Orden: | Zingiberales |
Pamilya: | Zingiberaceae |
Sari: | Curcuma |
Espesye: | C. longa
|
Pangalang binomial | |
Curcuma longa |
Ang luyang-dilaw (Curcuma longa) ay isang uri ng halamang kahawig ng luya. Ginagamit ito bilang pangkulay ng tela at pagkain.[2] Mula ito sa pamiyla ng luya na Zingiberaceae. Ito ay katutubo sa mga tropikal na bansa saTimog Asya at nangangailangan ng temperaturang mula 20°C hanggang 30°C, at maraming ulan upang yumabong. Ang mga halaman ay inaani bawat taon para sa kanilang rhizome, ang ilan sa mga rhizome ay itinatanim para sa susunod na anihan.
Ang mga rhizome ay pinakukuluan ng ilang oras at pinatutuyo sa mainit na pugon. Pagkatapos, ito ay dinudurog upang maging manilaw-nilaw na naranghang pulbos na ginagamit sa mga pampalasa o kaya curry sa mga pagkain ng Timog Asya at Gitnang Silangan, pantina, at pangkulay ng mustasang kondimento. Ang aktibong bahagi nito ay tinatawag na curcumin na may malalupa, mapait at lasang katulad ng paminta at amoy na tulad ng mustasa.
Ito ay minsang tinatawag na turmeric. Sa Europa noong Gitnang Panahon, ang luyang-dilaw ay tinatawag na Sapron ng Indiya dahil ito ay ginagamit na pamalit sa mas mahal na sapron na panlasa.
Ang Sangli, isang bayan sa katimugang bahagi ng estadong Maharashtra ng Indiya ay ang pinakamalaki at pinakamahalagang lugar ng kalakalan ng luyang-dilaw sa Asya.[3]