Ang Mababang Paleolitiko (Ingles:Lower Paleolithic o Palaeolithic; Espanyol:Paleolítico inferior) ay ang pinaka-unang bahagi o subdibisyon ng Paleolitiko o ang tinatawag na Stone Age. Nagtagal ang panahong ito mula noong higit-kumulang na 3.3 milyong taong nakalipas nang ang unang katibayan paggamit ng bato para sa produksyon na ginamit ng mga Hominin ay lumilitaw sa kasalukuyang talang pang-Arkeolohiko,[1] hanggang noong bandang 300,000 taong nakalipas.