Malabon ᜋᜎᜊᜓᜈ᜔ Lungsod ng Malabon | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Malabon | ||
Mga koordinado: 14°40′N 120°58′E / 14.66°N 120.96°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
Lalawigan | — | |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Malabon | |
Mga barangay | 21 (alamin) | |
Pagkatatag | 21 Abril 2001 | |
Ganap na Lungsod | 21 Abril 2001 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Antolin A. Oreta III | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Bernard Dela Cruz | |
• Manghalalal | 258,115 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 15.71 km2 (6.07 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 380,522 | |
• Kapal | 24,000/km2 (63,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 94,241 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 2.90% (2021)[2] | |
• Kita | (2022) | |
• Aset | (2022) | |
• Pananagutan | (2022) | |
• Paggasta | (2022) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
PSGC | 137502000 | |
Kodigong pantawag | 02 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog Ingles | |
Websayt | malabon.gov.ph |
Ang Malabon o ang kinikilalang Lungsod ng Malabon ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila.
Karamihan sa lupain ng bayang ito ay nagagamit sa paninirahan at pangkapamuhayan sapagka't ito ay nasa hilaga lamang ng Maynila. Nasa timog at silangang hangganan ng Malabon ang Caloocan, sa kanluran ang Navotas at sa hilaga ang Valenzuela. Ang karatig-bayan nito sa hilagang-kanluran ay ang Obando, Bulacan.
Sa senso ng 2020 nabilang ang populasyon ng Malabon na 380,522 samantalang ang bilang ng kabahayan ay 94,241. Isa ito sa mga lungsod na may pinakamakapal na populasyon sa Kamaynilaan dahil sa lawak nito na mahigit 15 kilometro kwadrado.