Ang malayang software (Ingles: free software) ay ang kalayaan ng isang manggagamit ng software na paganahin o patakbuhin, kopyahin, ipamahagi, pag-aralan, palitan, at pag-igihin ang software. Sa mas tiyak na diwa, tumutukoy ito sa apat na uri ng kalayaan, para sa mga tagagamit ng sopwer:
- Ang kalayaang paganahin (run) ang program, para sa anumang kadahilanan (kalayaan 0).
- Ang kalayaang pag-aralan (study) kung ano ang nagagawa ng program, at iayon ito sa iyong mga pangangailangan (kalayaan 1). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akseso sa pinanggalingang code o source code.
- Ang kalayaang muling maipamahagi (redistribute) ang mga kopya para makatulong kayo sa inyong mga kapitbahay (kalayaan 2).
- Ang kalayaang pag-igihin (improve) pa ang programa, at ibigay sa publiko ang mga pag-papaiging inyong isinagawa, upang ang buong komunidad ay makinabang (kalayaan 3). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akses sa pinanggalingang kodigo o source code.