Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Mga Ilokano

Mga Ilokano
Tattao nga Iloko
Mga kababaihang Ilokana mula sa Santa Catalina, Ilocos Sur, c. 1900.
Kabuuang populasyon
8,074,536 (8.8%) (2010)[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Pilipinas
(Rehiyong Ilokos, Cordillera, Lambak ng Cagayan, Gitnang Luzon, Kalakhang Maynila)
 Estados Unidos
(Hawaii, California)
Buong mundo
Wika
Ilokano, Filipino, Ingles, Kastila (lipas nang prestihiyong pormal), Pangasinan, Ibanag, Ibatan, Sebuwano, Hiligaynon
Relihiyon
Nakakarami ang Katolikong Romano,
minoryang Aglipayan, Iglesia ni Cristo, Protestantismo, Mga Kaanib sa Iglesia ng Dios na Pandaigdig, Saksi ni Jehovah, Islam, Budismo[2][3]
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga Pilipino (Ibanag, Ivatan, Pangasinan, Kapampangan), Austronesyo[4]

Ang mga Ilokano (Ilokano: Tattao nga Iloko/Ilokano), o mga Iloko ay ang ikatlong pinakamalaking pangkat etnolinggwistikong Pilipino. Karamihang naninirahan sila sa loob ng Rehiyon ng Ilokos sa hilagang-kanlurang tabing-dagat ng Luzon, Pilipinas. Wikang Ilokano ang katutubong wika ng mga Ilokano.

Sa kasaysayan, may mga sala-salabat na paniniwala at kasanayang panlipunan ang mga Ilokano.[5]

Umaabot ang pandarayo ng mga Ilokano sa halos lahat ng bahagi ng Pilipinas, gayon din sa mga lugar sa Kanluraning mundo, partikular sa Hawaii at California.[6] Nagkaroon ng pangingibang-bayan dahil sa pagkagipit sa kakapalan ng populasyon sa rehiyon na may limitadong potensyal sa agrikultura.[7] Isa ang Rehiyon ng Ilokos sa pinakamataong rehiyon sa Pilipinas. Hindi sapat ang produksyong pang-agrikultura upang mapunan ang mga pangangailangang lokal, kaya, sa kasaysayan, karamihan sa populasyon ay napunta sa merkado ng paggawa at kalakalang interrehiyonal. Nangunguna ang tabako bilang pananim napagkikitaan ng mga Ilokano. May mahabang tradisyon ang industriya ng tela sa lugar, habang pumapangalawa lamang ang pangingisda sa produksyong pang-agrikultura.[8][9]

  1. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) – Philippines" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Mayo 19, 2020.
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang encyc); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang joshuaproject); $2
  4. "ILOCANO | Cassell's Peoples, Nations and Cultures - Credo Reference" (sa wikang Ingles).
  5. "Ilocano Lowland Cultural Community". National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 4, 2021. Nakuha noong Nobyembre 3, 2021.
  6. "Politics of Ethnicity among Ilokanos in Hawaii" (sa wikang Ingles).
  7. "Ilocanos - Document - Gale in Context: World History" (sa wikang Ingles).
  8. "Ilocano | people | Britannica" (sa wikang Ingles).
  9. "Ilocanos - Document - Gale in Context: World History" (sa wikang Ingles).

Previous Page Next Page






شعب إيلوكانو Arabic Mga Ilokano BCL Ilocano people English Pueblo ilocano Spanish Ilokod ET אילוקנים HE Ilokano ID Tattao nga Ilokano ILO Ilocani Italian Jolma Ilokano KGE

Responsive image

Responsive image