Ang mga batas ng mosyon ni Newton ang tatlong mga pisikal ng batas na bumubuong basehan ng klasikal na mekaniks. Inilalarawan ng mga ito ang ugnayan ng mga puwersa na gumagalaw sa isang katawan at ang mosyon nito sanhi ng mga puwersang ito. Ang mga ito ay inihayag sa iba't ibang paraan sa loob ng tatlong siglo (300 taon) at maaaring ibuod sa sumusunod:
Ang mga tatlong batas ng mosyong ito ay unang tinipon ni Isaac Newton sa kanyang akdang Philosophiæ Naturalis Principia Mathematica na unang inilimbag noong Hulyo 5, 1687. Ang mga ito ay ginamit ni Newton upang ipaliwanag at imbestigahan ang mga mosyon ng mga pisikal na obhekto (bagay) at mga sistema. Halimbawa, sa ikatlong bolyum ng mga tekstong ito, ipinakita ni Newton na ang mga batas ng mosyong ito kung pagsasamahin sa kanyang batas ng unibersal na grabitasyon ay magpapaliwanag sa mga batas mosyon ng mga planeta ni Kepler.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.