Pilipino | |
---|---|
Distribusyong heograpiko: |
|
Klasipikasyong lingguwistiko: | Austronesian
|
Proto-wika: | Proto-Pilipino (disputed) |
Mga subdibisyon: | |
ISO 639-2 at 639-5: | phi |
Ang mapa ng mga wika ng Pilipinas, na tinukoy nila Adelaar at Himmelmann (2005) |
Sa aghamwika o linggwistika, ang mga wikang Pilipino (Ingles: Philippine languages, Espanyol: Las lenguas filipinas) ay isang panukala ni Robert Blust noong 1991 na nagmumungkahi na ang lahat ng mga wika sa Pilipinas at hilagang Sulawesi, maliban sa Sama-Bajaw at ilang mga wika sa Palawan, ay bumubuo sa subpamilya ng mga wikang Austronesyo. Baga mang malapit ang Pilipinas sa kalagitnaan ng paglawak ng Awstronesyo mula Pormosa, mayroong munting kaibhang pangwika sa higit-kumulang na 150 wikang Pilipino, na nagmumungkahi na napawi ang maagang pagkakaibhan sa paglaganap ng ninuno ng mga modernong wikang Pilipino.[1][2]
Binubuo ang mga wikang Pilipino bilang pinakamatanda sa pamilyang Awstronesyo na di-Pormosyano, na kung saan umiiral pa rin ang mga tunog na schwa at asonansyang d-r ng proto-Awstronesyo na naglaho sa mga wikang Sunda-Sulawesi.