Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Mga wikang Sino-Tibetano

Sino-Tibetano
Distribusyong
heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog Asya
Klasipikasyong lingguwistiko:Isa sa mga pangunahing pamilyang wika ng mundo
Mga subdibisyon:
Mga ibang 40 mabuting naitatag na pangkat na mababang antas, na ang ilan ay maaaring hindi naman kabilang sa Sino-Tibetano
Maraming imnungkahing mga pangkat na mataas na antas
Nakagisnang Pagkakahati-hati:
Sinitiko kung ihahambing sa ibang (Tibeto-Birmano)
ISO 639-2 at 639-5:sit

Ang pagkaka-labuwad ng iba't ibang sangay ng Sino-Tibetano

Ang mga wikang Sino-Tibetano ay isang pamilyang wika ng higit-kumulang na 400 wikang sinasalita sa Silangang Asya, Timog-Silangang Asya at Timog Asya. Pangalawa lamang ang pamilyang wikang ito sa mga wikang Indo-Europeo sa bilang ng mga katutubong tagapagsalita. Ang pamilyang wikang ito ang mayroon pinakamaraming katutubong mananalita ay ang mga sari-saring uri ng wikang Tsino (halos 1.2 bilyong tagapagsalita), Birmano (Burmese, halos 33 milyon) at mga wikang Tibetiko (halos 8 milyon). Maraming mga wikang Sino-Tibetano ang ginagamit sa malalayong mabundok na lugar at halos hindi mabuting naisa-tala.

Maraming mga mababang antas na pangkat ang mga mainam na natatag, ngunit nananatiling hindi malinaw ang mataas na antas na hulma ng pamilya. Baga ma't kadalasang ipinapakita naturang pamilyang wika na nakahati bilang Sinitiko at Tibetano, hindi kailan man naipahayag ang pangkaraniwang pinagmulan ng mga wikang di-Sinitiko, at sinasalungat ng mga nagdaramihang bilang ng mga mananaliksik.


Previous Page Next Page