Min Nan, Minnan | |
---|---|
Timog Min, Katimugang Min | |
閩南語 / 闽南语 Bân-lâm-gú | |
Katutubo sa | Tsina, Taiwan, Malaysia, Indonesia, Singgapura, Taylandya, Pilipinas, Biyetnam, Hapon at iba pang lugar na pinanirhan ng mga Timog Min at Hoklo |
Rehiyon | Lalawigan ng Timog Fujian; lugar ng Chaozhou-Shantou (Chaoshan) at Tangway ng Leizhou sa lalawigan ng Guangdong; pinakatimog ng lalawigan ng Zhejiang; kalawakan ng lalawigan ng Hainan (kung kabilang din ang mga Hainanes o Qiong Wen); kalawakan ng Taiwan. |
Mga natibong tagapagsalita | 47 milyon (2007)[1] |
Sino-Tibetano
| |
Mga diyalekto | |
Opisyal na katayuan | |
Wala; isa sa mga wikang estatuaryo (ayon sa batas) para sa mga paalalang pampublikong sakayan sa Taiwan[2] | |
Pinapamahalaan ng | Wala (Ministro ng Edukasyon ng Republika ng Tsina at iba pang NGO na mayroong impluwensya sa Taiwan) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | nan |
Glottolog | minn1241 |
Pagkaka-kalat ng Timog Min. | |
Southern Min | |||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pinapayak na Tsino | 闽南语 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 閩南語 | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | "Wika ng Timog Min [Fujian]" | ||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Min Nan o Timog Min (Tsinong pinapayak: 闽南语; Tsinong tradisyonal: 閩南語; pinyin: Mǐnnányǔ; Pe̍h-ōe-jī: Bân-lâm-gí/Bân-lâm-gú), ay isang sanga ng Tsinong Min na ginagamit sa ilang tiyak na lugar sa Tsina, kabilang ang Timog Fujian, silangang Guangdong, Hainan, katimugang Zhejiang at Taiwan. Ang mga wikain ng Min Nan ay sinasalita ng mga kaapu-apuhan ng mga inmigranteng Tsino, lalo na sa Pilipinas, Singgapur at Malaysia.
Sa pangkaraniwang pananalita, karaniwang itinutukoy ang Min Nan sa Hokkien. Ang Amoy at Hokkien Taiwanes ay parehong halo ng mga pananalita ng Quanzhou at Zhangzhou. Kabilang din sa lupong pangwika ng Min Nan ang Teochew, baga ma't limitado lang ang maaaring pagkakaunawaan nito sa Hokkien. Hindi intelihibleng mutwo ang Min Nan sa Min Dong (silangang Min), Kantones at Pamantayang Tsino (batay sa Mandarin).
Napanatili kahit na papaano sa Min Nan at mga wikain nito ang mga pagbigkas at bokabularyo ng Lumang Tsino na nawala sa ibang mga makabagong uri ng Tsino.