Palayaw: Timog Pilipinas | |
---|---|
Heograpiya | |
Lokasyon | Timog Silangang Asya |
Arkipelago | Pilipinas |
Sukat | 104,530 km2 (40,359 mi kuw) |
Ranggo ng sukat | Ika-19 |
Pinakamataas na elebasyon | 3,412 m (11,194 tal) |
Pamamahala | |
Demograpiya | |
Populasyon | 21,968,174 |
Densidad ng pop. | 232 /km2 (601 /mi kuw) |
Ang Mindanao o Kamindanawan, (Ingles: Southern Pilipinas o Tagalog: Timog Pilipinas) ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.[1]
Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan ng Maguindanao Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim na Mindanao (BARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim. Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)