Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Misa

Isang Midyibal na Mababang Misa na isinasagawa ng isang obispo.

Ang Misa ay ang pagdiriwang o seremonya ng Eukaristiya sa mga liturhikong ritu ng Simbahang Katoliko Romano, Matatandang mga Simbahang Katolika, Angglo-Katolikong tradiyson ng Anglikanismo, at sa ilang malakihang rehiyon ng Mataas na Simbahang Luterano, tulad ng sa mga bansang Scandinavian at Baltiko kung saan kilala ang serbisyong Eukaristiko bilang "ang Misa".

Nagmula ang salit sa wikang Lating missa (pagtatanggal), isang salitang ginagamit sa pangwakas na pormula ng Misang Latin: "Ite, missa est" ("Humayo, iyan na ang pagtatanggal [o pagpapaalis]"). Ang salitang missa rito ay ang pambandang huling anyo ng Lating substantibo na tumutugma sa salitang missio ng klasikong Latin[1] Noong sinaunang panahon, payak na nangangahulugan ang missa bilang 'pagpapaalis'. Subalit sa Kristiyanong paggamit, unti-unti itong nagkaroon ng mas malalim na kahulugan. Ang salitang Ingles na dismissal o pagpapaalis ay naging tagapagpahiwatig ng salitang "misyon". Ang salitang ito ay nagpapahayag ng likas na pagiging misyonero ng Simbahang Katoliko.[2]

  1. The Liturgy of the Mass, Catholic Encyclopedia.
  2. Papa Benedikto XVI, Sacramentum caritatis, pahina 51.

Previous Page Next Page






Heilige Messe ALS القداس الإلهي Arabic القداس الالهى ARZ Misa AST Švėntas Mėšės BAT-SMG Імша BE Імша BE-X-OLD Oferenn BR Misa BS Missa Catalan

Responsive image

Responsive image