Ang Miss Universe 2021 ay ang ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Universe Dome sa Eilat, Israel noong 13 Disyembre 2021.[1][2][3]
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Andrea Meza ng Mehiko si Harnaaz Sandhu ng Indiya bilang Miss Universe 2021. Ito ang pangatlong tagumpay ng Indiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Nadia Ferreira ng Paragway, habang nagtapos bilang second runner-up si Lalela Mswane ng Timog Aprika.[4][5]
Mga kandidata mula sa walumpung bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Bumalik si Steve Harvey bilang host na huling nagsilbi noong Miss Universe 2019.[6] Nagsilbing mga backstage correspondent sina Miss USA 2019 Cheslie Kryst at Carson Kressley. Nagtanghal sina JoJo, Noa Kirel, Harel Skaat, Valerie Hamaty, at Narkis sa edisyong ito.[7][8]
Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2