Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Navotas

Navotas

ᜈᜊᜓᜆᜐ᜔

Lungsod ng Navotas
Opisyal na sagisag ng Navotas
Sagisag
Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Navotas.
Mapa ng Kalakhang Maynila na ipinakikita ang lokasyon ng Lungsod ng Navotas.
Map
Navotas is located in Pilipinas
Navotas
Navotas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°40′00″N 120°56′30″E / 14.6667°N 120.9417°E / 14.6667; 120.9417
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
DistritoNag-iisang Distrito ng Navotas
Mga barangay18 (alamin)
Pagkatatag20 Disyembre 1827
Ganap na LungsodHunyo 24, 2007
Pamahalaan
 • Punong LungsodRichard Gomez
 • Pangalawang Punong LungsodTobias Reynald M. Tiangco
 • Manghalalal150,693 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan8.94 km2 (3.45 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan247,543
 • Kapal28,000/km2 (72,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
63,167
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-2 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan3.10% (2021)[2]
 • Kita(2022)
 • Aset(2022)
 • Pananagutan(2022)
 • Paggasta(2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1409, 1411–1413, 1485, 1489–1490
PSGC
137503000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytnavotas.gov.ph

Ang Navotas, opisyal na Lungsod ng Navotas o Navotas City sa payak na katawagan, ay isang unang klaseng lungsod sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 247,543 sa may 63,167 na kabahayan.

Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa Look ng Maynila. Kilala ito sa kaniyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas." Nasa Navotas ang pinakamalaki at pinakamakabagong puwerto sa pangingisda sa Pilipinas, gayon din sa buong Timog-silangang Asya at pangatlong pinakamalaki sa Asya.

Bagamat itinatag ito noong Disyembre 20, 1827, ipinagdiriwang ng Navotas ang pagkakatatag nito tuwing Enero 16. Naging isang mataas na urbanisadong lungsod (highly urbanized city) ang Navotas noong Hunyo 24, 2007.[3]

Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA. Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, at Valenzuela. Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito sa pagkati ng dagat, at ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil sa mga proyekto na inumpisahan ng parehong lokal at pambansang pamahalaan. Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang sa mga suliranin na sinusubukang lutasin ng pamahalaan.

  1. "Province: NCR, THIRD DISTRICT (Not a Province)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. "Navotas becomes Metro Manila's newest city". Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Hunyo 2007. Nakuha noong 24 Hunyo 2007.

Previous Page Next Page






نافوتاس Arabic Navotas BCL Navotas CBK-ZAM Navotas CEB Navotas German Navotas English Navotas EO Navotas Spanish Navotas Finnish Navotas French

Responsive image

Responsive image