Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Nemesis

Si Nemesis.

Sa mitolohiyang Griyego, si Nemesis (Griyego: Νέμεσις) ay isang diyosa ng makatarungang paghihiganti na tumutugis sa mga taong nagkasala o mga gumawa ng hindi mabuting gawain. Siya rin ang diyosa ng retribusyon o pagpaparusa, na nagdadala ng pagganti sa mga may napakaraming kayamanan o may sukdulang pagmamalaki ng sarili. Hinihingi ng sinaunang mga Romano ang kanyang tulong para sa digmaan upang ipakitang nakikipaglaban sila para sa makatarungang kadahilanan o layunin.[1][2] Sa sinaunang wikang Griyego, tinatawag din siyang Rhamnousia, Rhamnusia, o Ramnusia ("ang diyosa ng Rhamnous" o "ang diyosa ng Ramnonte") sa kanyang santuwaryo sa Rhamnous na nasa hilaga ng Marathon, Gresya. Halimbawa ng kanyang kapangyarihan ang pagdurulot kay Narciso na umibig o ibigin ang sariling wangis o anyong makikita sa lawa-lawaan.[1]

  1. 1.0 1.1 "Nemesis; Narcissus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 430 at 437.
  2. Gaboy, Luciano L. Nemesis - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Previous Page Next Page






نمسيس (إلهة) Arabic Némesis (mitoloxía) AST Nemezida AZ Немезіда BE Немезида Bulgarian Nèmesis Catalan Nemesis (mytologie) Czech Nemesis (mytholeg) CY Nemesis Danish Nemesis German

Responsive image

Responsive image