Ang mga neutron, kasama ng mga proton at elektron, ang bumubuo sa isang atomo. Matatagpuan ang mga neutron sa nukleus ng isang atom kasama ng mga proton. Hindi tulad ng mga proton, na may kargang positibo, o mga elektron, na may negatibong karga, walang karga o neyutral ang karga ng neutron.
Ang mga neutron ay natuklasan ng Britanikong siyentipikong si James Chadwick noong 1932. Ang mga atomo ay pinaputok sa manipis na hati ng berilyum. Lumitaw ang mga partikulo at walang mga karga, at pinangalanan ni Chadwik ang mga ito bilang mga awansik.
Ang mga neutron ay may masang 1.675 × 10-24g, na bahagyang mas mabigat kaysa proton. 1800 ulit ang kabigatan ng mga neutron kaysa mga dagisik.
Binubuo ang mga neutron ng dalawang pababang mga kwark at ng isang pataas na kwark. Ang mga kwark ay pinagdirikit-dikit ng mga gluon.