Ohio | |||
---|---|---|---|
State of Ohio (Estado ng Ohio) | |||
| |||
Mga palayaw: The Buckeye State; (Ang Estadong Buckeye) Birthplace of Aviation (Kapanganakan ng Abyasyon); The Heart of It All (Ang Puso Nitong Lahat) | |||
Bansag: "With God, all things are possible"[1] (Sa Diyos, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari) | |||
Awit: "Beautiful Ohio"[2] (Magandang Ohio) | |||
![]() Mapa ng Estados Unidos na nakatampok ang Ohio | |||
Bansa | Estados Unidos | ||
Sumali sa Unyon | 1 Marso 1803[3] (ika-17, retroaktibong dineklara noong 7 Agosto 1953[4]) | ||
Kabisera (at pinakamalaking lungsod) | Columbus[5][6] | ||
Pinakamalaking kondado o katumbas nito | Kondado ng Franklin, Ohio | ||
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugar | Kalakhang Cleveland (pinagsama at urbano) Cincinnati (kalkahan) Columbus (kalakhan) (tingnan ang talababa)[a] | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Mike DeWine (R) | ||
• Gobernador Tinyente | Jon Husted (R) | ||
Lehislatura | Asembleyang Pangkalahatan | ||
• Mataas na kapulungan | Senado | ||
• [Mababang kapulungan | Kapulungan ng Kinatawan | ||
Hudikatura | Korte Suprema ng Ohio | ||
Mga senador ng Estados Unidos | Sherrod Brown (D) JD Vance(R) | ||
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos | 10 Republikano 5 Demokrata | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 44,825 milya kuwadrado (116,096 km2) | ||
• Lupa | 40,948 milya kuwadrado (106,156 km2) | ||
• Tubig | 3,877 milya kuwadrado (10,040 km2) 8.7% | ||
Ranggo sa lawak | Ika-34 | ||
Sukat | |||
• Haba | 220 mi (355 km) | ||
• Lapad | 220 mi (355 km) | ||
Taas | 850 tal (260 m) | ||
Pinakamataas na pook | 1,549 tal (472 m) | ||
Pinakamababang pook | 455 tal (139 m) | ||
Populasyon (2023) | |||
• Kabuuan | 11,785,935[9] | ||
• Ranggo | Ika-7 | ||
• Kapal | 282/milya kuwadrado (109/km2) | ||
• Ranggo sa densidad | ika-10 | ||
• Panggitnang kita ng sambahayanan | $54,021[10] | ||
• Ranggo ng kita | ika−36 | ||
Demonym | Ohioan (Ohiyoano); Buckeye[11] (kolokyal) | ||
Wika | |||
• Opisyal na wika | De jure: Wala De facto: Ingles | ||
• Sinasalitang wika | Ingles 93.3% Kastila 2.2% Iba pa 4.5%[12] | ||
Sona ng oras | UTC– 05:00 (Silanganin) | ||
• Tag-init (DST) | UTC– 04:00 (EDT) | ||
Daglat ng USPS | OH[13] | ||
Kodigo ng ISO 3166 | US-OH | ||
Tradisyunal na pagdadaglat | O., Oh. | ||
Latitud | 38°24′ N to 41°59′ N | ||
Longhitud | 80°31′ W to 84°49′ W | ||
Websayt | ohio.gov |
Ang Ohio ( /oʊˈhaɪ.oʊ/ oh-HY-oh )[14] ay isang estado sa rehiyon ng Gitnang-kanlurang Estados Unidos. Pinapalibutan ang Ohio ng Lawa ng Erie sa hilaga, Pennsylvania sa silangan, Kanlurang Virginia sa timog-silangan, Kentucky sa timog-kanluran, Indiana sa kanluran, at Michigan sa hilagang-kanluran. Sa 50 estado ng Estados Unidos, ito ang ika-34 na pinakamalaki ayon sa laki ng sukat. Sa populasyon na halos 11.8 milyon, ito ang ikapitong pinakamatao at ikasampu sa pinakamakapal na populasyon na estado. Columbus ang kabisera nito at pinakamataong lungsod, kasama ang iba pang malalaking sentro ng populasyon kabilang ang Cleveland, Cincinnati, Dayton, Akron, at Toledo. Binansagan ang Ohio na "Buckeye State" o "Estadong Buckeye" dahil sa mga punong buckeye sa Ohio, at tinatawag ang mga taga-Ohio bilang "mga Buckeye".[11] Natatangi ang watawat ng Ohio sa lahat ng watawat ng estado ng Estados Unidos dahil ito lamang ang may watawat na hindi hugis paraihaba.
Kinuha ng Ohio ang pangalan nito mula sa Ilog Ohio na bumubuo sa katimugang hangganan nito, na nagmula naman sa salitang Seneca na ohiːyo', ibig sabihin, "magandang ilog", "malaking ilog", o "malaking sapa".[15] Tahanan ang estado ng ilang mga sinaunang katutubong sibilisasyon, na may mga tao na noon pang 10,000 BCE. Umusbong ito mula sa mga lupain sa kanluran ng Bulubunduking Apaleches na pinagtatalunan ng iba't ibang katutubong lipi at mga kolonistang Europeo mula noong ika-17 dantaon hanggang sa Mga Digmaang Hilagang-kanlurang Indiyano noong huling bahagi ng ika-18 dantaon. Nahati ang Ohio mula sa Teritoryong Hilagang-kanluran, ang unang hangganang pinanirahan ng tao ng bagong Estados Unidos, na naging ika-17 na estado na natanggap sa Unyon noong Marso 1, 1803, at ang una sa ilalim ng Ordinasang Hilagang-kanluran.[3][16] Ito ang unang poskolonyal na malayang estado na pinasok sa unyon at naging isa sa pinakamaaga at pinakamaimpluwensyang industriyal na napakalakas noong ika-20 dantaon. Bagaman lumipat ito sa ekonomiyang mas nakatuon sa impormasyon at nakabatay sa serbisyo noong ika-21 siglo, nananatili itong isang industriyal na estado, na nagraranggo sa ikapito sa GDP sa pagsapit ng 2019,[17] kasama ang ikatlong pinakamalaking sektor ng pagmamanupaktura at pangalawang pinakamalaking produksyon ng sasakyan.[18]
Minodelo sa pederal na katumbas nito, binubuo ang pamahalaan ng Ohio ng sangay na ehekutibo, na pinamumunuan ng gobernador; ang sangay na pambatasan, na binubuo ng dalawahang-kamara na Asembleyang Pangkalahatan ng Ohio; at ang sangay ng hudikatura, na pinamumunuan ng Korte Suprema ng estado. Sinasakop ng Ohio ang 15 puwesto sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos, ang ikapitong pinakamalaking delegasyon.[19] Pitong presidente ng Estados Unidos (sina Ulysses S. Grant, Rutherford Hayes, James Garfield, Benjamin Harrison, William McKinley, William Howard Taft, at Warren G. Harding) ang nagmula sa Ohio, na tinaguriang "Ina ng mga Pangulo".[20] Kapag may halalang pampanguluhan, tinuturing ang Ohio na swing state o estadong pabago-bago ang isip, na nagpapanalo ng alim man sa mga kandidato ng Demokrata o Republikano mula sa isang eleksyon hanggang sa isa pang eleksyon. Bilang isang estadong pabago-bago ang isip, kadalasang tinatarget sila ng mga kampanya ng parehong pangunahing-partido, lalo na sa halalang malakas ang kompetisyon.[21] Mahalaga sa halalan ng 1888, naging regular ang Ohio bilang isang estadong pabago-bago ang isip simula noong 1980.[22][23]
Kabilang sa ilang kilalang tao mula sa Ohio ang naggo-golf na si Jack Nicklaus, sina Wilbur at Orville Wright, mga astronautang sina John Glenn at Neil Armstrong, mga may-akdang sina Sherwood Anderson and Toni Morrison,[24] at mga artistang sina Clark Gable at Katie Holmes.
From Iroquois word meaning 'great river'
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2