Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Operasyon (matematika)

Mga operasyon ng mababang aritmetika: pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, at paghahati.

Sa matematika, ang operasyon ay isang proseso[1] at bunin na kumukuha ng wala o higit pang halaga (tinatawag na operando) at naglalabas ng isang resulta.[2] Ang bilang ng mga operando nito ay tinatawag na aridad.

Pinakamadalas gamitin at pag-aralan ang mga operasyong tambalan tulad ng pagdaragdag, pagpaparami, at mga operasyong isahan tulad ng kabaligtarang pandagdag at pamparami. Konstante naman ang operasyong may aridad na wala o sero.[3][4]

Karaniwang may hangganan ang aridad. Gayunpaman, mayroong ding mga operasyong walang hangganan, kaya tinatawag rin ang mga "normal" na operasyon bilang mga operasyong may hangganan.

Ang operasyong gumagamit ng di-buong bunin ay tinatawag na di-buong operasyon o operasyong parsyal.

  1. "operasyon". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Enero 23, 2021.
  2. "The Definitive Glossary of Higher Mathematical Jargon — Operation" [Ang Komprehensibong Glosaryo ng mga Katawagan sa Mataas na Matematika — Operasyon]. Math Vault (sa wikang Ingles). Agosto 1, 2019. Nakuha noong Enero 23, 2021.
  3. "Algebraic operation - Encyclopedia of Mathematics" [Operasyong alhebraiko - Ensiklopedya ng Matematika]. www.encyclopediaofmath.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 23, 2021.
  4. DeMeo, William (Agosto 26, 2010). "Universal Algebra Notes" [Mga Tala sa Pangkalahatang Alhebra] (PDF). University of Hawaii - Department of Mathematics. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Mayo 19, 2021. Nakuha noong Enero 23, 2021.

Previous Page Next Page