Sa biyolohiya, ang organo[1][2] o laman-loob (Ingles: organ; Latin: organum, "kasangkapan, instrumento") ay isang grupo ng mga tisyu na nagsasagawa ng isang tiyak na tungkulin o grupo ng mga tungkulin. Pangkaraniwan na may pangunahing tisyu (Ingles: main) at mga nakakalat (Ingles: sporadic) na mga tisyu. Ang pangunahing tisyu ay natatangi lamang para sa isang organo. Halimbawa, ang pangunahing tisyu sa puso ay ang myocardium, habang ang mga nakakalat na mga tisyu ng puso ay ang mga tisyung nerbyos, dugo, panikit na tisyu, at iba pa. Tinatawag ding menudo o minudo ang mga organo o laman-loob ng mga hayop.[1]