Ang Oriental Mindoro (Filipino: Silangang Mindoro; Kastila: Mindoro Oriental) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon. Ang Lungsod ng Calapan ang kabisera nito at sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Mindoro; Occidental Mindoro ang nasa kanlurang kalahati. Sa silangan ng lalawigan naroon ang Dagat Sibuyan at Romblon. Sa hilaga ang Batangas sa ibayo ng Daanan ng Pulo ng Verde. Ang mga Pulo ng Semirara ng Antique ang nasa timog nito.
Oriental Mindoro | |||
---|---|---|---|
Lalawigan ng Oriental Mindoro | |||
| |||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Oriental Mindoro | |||
Mga koordinado: 13°0'N, 121°25'E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Mimaropa | ||
Kabisera | Calapan | ||
Pagkakatatag | 1950 | ||
Pamahalaan | |||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | ||
• Gobernador | Humerlito Dolor | ||
• Manghalalal | 513,542 na botante (2019) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 4,238.38 km2 (1,636.45 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (senso ng 2020) | |||
• Kabuuan | 908,339 | ||
• Kapal | 210/km2 (560/milya kuwadrado) | ||
• Kabahayan | 188,988 | ||
Ekonomiya | |||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | ||
• Antas ng kahirapan | 12.80% (2021)[2] | ||
• Kita | (2020) | ||
• Aset | (2020) | ||
• Pananagutan | (2020) | ||
• Paggasta | (2020) | ||
Pagkakahating administratibo | |||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | ||
• Lungsod | 1 | ||
• Bayan | 14 | ||
• Barangay | 426 | ||
• Mga distrito | 2 | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Kodigo postal | 5200–5214 | ||
PSGC | 175200000 | ||
Kodigong pantawag | 43 | ||
Kodigo ng ISO 3166 | PH-MDR | ||
Klima | tropikal na klima | ||
Mga wika | wikang Tagalog Buhid Wikang Onhan Wikang Iraya Wikang Tadyawan Wikang Hanunó'o Wikang Ratagnon Eastern Tawbuid | ||
Websayt | http://www.ormindoro.gov.ph/ |
Kilala ang Oriental Mindoro sa mga turista sa Puerto Galera. Ilang oras lamang ang munisipalidad na ito mula sa Maynila, at pinagmamalaki ang puting baybay-dagat at mga sinisisid na lugar. Para sa mga mahilig mamundok, nariyan ang Bundok Halcon.