Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.
Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Responsive image


Ospital Heneral ng Pilipinas

Ospital Heneral ng Pilipinas
Opisina ng Administrasyon ng UPM-PGH
Map
Heograpiya
LokasyonErmita, Maynila, Pilipinas
Mga koordinado14°34′41″N 120°59′08″E / 14.57802°N 120.98554°E / 14.57802; 120.98554
Organisasyon
Sistema ng pangangalagaPampubliko
UriPangkalahatan, pampubliko, pang-edukasyon
Kaakibat na unibersidad
Kagawaran ng emerhensyaOo
Mga higaan1,100 higaan mula sa karidad
400 higaang pribado
Binuksan
  • 17 Agosto 1907 (1907-08-17) (Itinatag)[1][2]
  • 1 Setyembre 1910 (1910-09-01) (Nabuksan sa publiko)
Websaytpgh.gov.ph

Ang Ospital Heneral ng Pilipinas (Ingles: Philippine General Hospital), na tinutukoy rin bilang UP–PGH o PGH, ay tersiyaryong opsital na pagmamay-ari ng na pinapangaswaan at pinapatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila. Naitalaga ito bilang Pambansang Pamantasang Opsital at ang pinakamalaking pasilidad at referral center ng gobyerno. Nakatayo ito sa loob ng 10-ektaryong (25-akre) pook na matatagpuan sa Kampus ng UP Maynila sa Ermita, Maynila. Ang PGH ay may 1,100 kama at 400 pribadong kama, at may tinatantyang 4,000 empleyado upang mapaglinguran ang higit sa 600,000 pasyente bawat taon.[3]

Ang PGH, na pinakamalaking ospital sa pagsasanay sa bansa, ay opsital panlaboratoryo ng mga mag-aaral ng agham pangkalusugan na nakaenrol sa Unibersidad ng Pilipinas. Kabilang dito ang mga mag-aaral ng medisina, pagnanars, terapiyang pisikal, parmasyutika, terapiyang pang-okupasyon, pagdedentista, at patolohiya sa pagsasalita.

Mayroong 15 kagawarang kliniko—Medisinang Pampamilya at Pampamayanan, Anestesyolohiya, Medisinang Internal, Palatistisan, Neurosiyensya, Pediyatriko, Otorinolaringolohiya-Palatistisan ng Ulo & Leeg, Optalmolohiya, Ortopedya, Medisinang Pangrehabilitasyon, Saykayatri, Radyolohiya, Patolohiya, Dagliang Paggamot at Obstetrisya & Hinekolohiya—pawang nag-aalok ng pagsasanay panresidente at pampagsasama. Nag-aalok din ito ng iba't ibang pagsasanay para sa mga paramdeikong espesyalidad tulad ng pagnanars, terapiyang pisikal, terapiyang pang-okupasyon, patolohiya sa pagsasalita, teknolohiya sa radyasyon, nutrisyon, pagdedentista sa ospital, teknolohiyang medikal at pagsasanay sa EMT.

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Lawyerly-Act1688); $2
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang USSerialSet); $2
  3. Quodala, Schatzi. "Did you know: Philippine General Hospital" [Alam niyo ba: Ospital Heneral ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Abril 9, 2015.

Previous Page Next Page






مستشفى الفلبين العام ARZ Philippine General Hospital English Hospital General de Filipinas Spanish Nosocomium Generale Philippinum LA

Responsive image

Responsive image