![]() | Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Abril 2007)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Ang pH (mula sa Ingles, power of hydrogen, porsyento ng hidroheno) ay sukat ng kaasiman (acidity) ng isang solusyon. Ang sukat na ito ay ayon sa kilos ng mga ionong hidroheno (H+) sa loob nito. Sa striktong depinisyon nito, ang pH ay isang sukat ng kimikal na aktibidad ng mga ionong hidroheno, at mas akma itong gamitin sa mga matatapang na konsentrasyon. Sa mga malalabnaw namang solusyon, mas ginagamit ang molaridad sa pagkalkula ng pH.
Sa mga sistemang tubigin (aqueous), ang kilos ng ionong hidroheno ay dinidiktahan ng konstant ng disosasyon ng tubig at ng pagniniig (impluwensiya) sa ibang mga iono. Dahil sa konstant na ito, ang isang nyutral na solusyon ay may pH na halos katumbas sa 7. Ang mga solusyon naman na may pH < 7 ay tinatawag na asidiko (maasim) habang ang may pH > 7 ay basiko (mapakla).
Si S.P.L. Sørensen noong 1909 ang nagpakilala sa konseptong ito at sinasabing nangangahulugan ng "pondus hydrogenii" sa Latin. Gayunman, maraming pag-aaral ang naglalagay na mula ito katagang Pranses na pouvoir hydrogène,na sa Ingles ay power of hydrogen at potential of hydrogen. Sinasabing ang lahat ng ito ay tama.